Twelve

284 13 1
                                    












Nakatingin lang ako sa bintana habang hinihintay ang dumadaan nagtitinda ng taho. Kada alas-siete kasi ay dumadaan ito sa harapan ng bahay lalo kapag weekends. At dahil wala akong pasok, gumising ako ng maaga para maglaba.

Tahoooooo!

Sigaw ng lalake at nagtatakbo ako palabas ng bahay. Dala ko ang isang mug at bente pesos. Nakashorts lang ako at long sleeve na lumabas. Kasabay ko bumili ang ilan bata mula sa kapitbahay.

“Ano nangyari diyan?” nagulat ako nang ituro ng isang bata ang peklat sa bandang pulso ng kanan kamay ko. Nakalimutan ko na wala akong suot na relo. Tinakpan ko kaagad ang kamay ko.

“Nasugat dati..” sabi ko at tumawa. Hindi naman na nagtanong ang bata kaya nakahinga ako ng maluwag. Bumalik ako sa bahay at doon tumambay sa terrace habang hinihigop ang mainit-init na taho. Katabi ko ang phone ko at bigla nalang itong umilaw. Lumabas ang pangalan ni Gino.

Pagbukas ko ng message niya.

Busy ka ba ngayon araw? Baka free ka, samahan mo naman ako, may kikitain akong investor.

Napangiwi ako sa nabasa. Ako talaga, ang pinili niyang itext at isama? May April na kaya siya. Hindi ako nagreply. Maya maya, tumunog ulit ang phone ko.

Bawal tumanggi. Nakalimutan mo ang birthday ko, so dapat bumawi ka.

Sabi ng text niya at napahalakhak ako. “Talagang lalakeng to.” naiinis akong nagreply sa kaniya.

Susunduin kita in an hour. Better to get ready.

Reply niya. Hindi man lang ata niya binasa ang text ko sa kaniya. Wala talaga itong pinapakinggan. I don't have any choice. Padabog akong, umakyat sa kwarto ko.

Nagmadali akong maligo at magbihis. Kilala ko si Gino. On time siyang dumating and for sure makakarinig ako sa kaniya  kapag nalaman niyang mabagal ako kumilos.

“Ano ba isusuot ko?” tanong ko nang buksan ang closet ko. May isa pa akong dress na nakahanger. At isang bagong damit na binili ni Adrian para sa akin.

“Wait! Bakit ako poporma na kasama si Gino?” umiling ako. Sasamahan ko lang naman siya. Sasamahan..

Kinuha ko ang isang jeans sa cabinet at isang hoody sleeves na may logo ng Mickey Mouse. Makulimlim naman ang panahon at mukhang uulan mamayang hapon. And for sure, malamig sa pupuntahan namin.

Nilagay ko lang sa isang sling bag ang phone, wallet, panyo at alcohol bottle. Pagkatapos ay bumaba ako sa sala at nagsuot ng isang pares ng sneakers.

Hindi pa ako lumalabas ng bahay ay narinig ko na ang busina ng sasakyan niya. Tumakbo na ako at sinarado ang bahay at gate. Dala ni Gino ang puting Montero Sport niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa harapan.

“Hi.. Kristine?” patanong pa siya nang makita ako na pasakay ng sasakyan.

“You are wearing a hoodie?” sumama ang tingin ko sa kaniya. “May problema ka sa suot ko? Off work naman tayo diba? Saka sabi mo.. sasamahan lang kita.” pagsusungit ko at sabay inilihis ang mga mata ko sa kaniya.

“Sorry.. You really have this weird kind of fashion ano?” pabiro niyang sinabi at nagsimulang magmaneho. Hindi ko siya pinansin. Hindi nga din ako nagtanong kung saan kami pupunta. Casual clothes din ang suot ni Gino.

Ilan minuto pa, ay nakita ko na tumigil kami sa isang hotel. Shangri-la Manila to be exact.

“Wow. First time ko dito.” sabi ko na namamangha sa nakikita. Mataas ang gusali at alam ko na may kamahalan ang accomodations dito.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon