Three

408 16 4
                                    




Bumili ako ng isang Cornetto at binuksan iyon. Naupo ako sandali, sa isang bakanteng mesa at lumingon sa malasalamin bintana. Nagpalipas ako ng oras, dahil wala naman akong kasama sa bahay. Wala din akong gana kumain dahil wala si Adrian.

Bumili na din ako ng dalawang beer in can at isang Pringles. Binuksan ko iyon at nanatili ako sa pwesto ko. Walang gaanong tao ang dumadaan sa 7-11 na ito na nakapwesto sa labas ng kanto namin. Kapag ganitong oras, iilan nalang ang dumadaan dito. Mga workers na papauwi at ilan kabataan tumatambay para uminom.

Iniisip ko kung ano na ang nagaganap sa Alumni Homecoming namin. For sure, Gino will be there. Magiging malaking usap-usapan ang pagbabalik niya. Pero ang ipinagtataka ko, paano niya ako nakontak. Hindi kaya kay Regine, Rica o kay Joseph? Pumikit ako. Ayoko na siyang isipin. Ano pa ba ang aasahan ko sa pagbabalik niya? Hopefully he is married now.

Isa ngang Djarum Black.” I heard a customer asking for cigarettes. Nanatili ang mga mata ko sa malayo. At panay sa pagtunog ang notifications ng phone ko. Its almost, nine in the evening. Nagsisimula na sigurado ang event. At alam kong inuulan na si Adrian ng tanong kung bakit hindi ako sumama.

Naubos ko na ang isang beer in can. Bubuksan ko na sana ang isa when I saw a man standing in front of me. Nakikita ko ang usok mula sa itim na sigarilyong hawak niya. Though hindi ito amoy nicotine because its an original tobacco brand. Pero nakakalunod pa din ang usok nito.

“Please I hate cigar smokes. And this seat was taken also.” pagtataray ko sa kaniya. But he won't leave. Nakatayo pa din ito sa harapan ko habang pinapaikot sa paligid ko ang usok ng sigarilyo niya.

Nagtitimpi na ako sa inis. This fella won't leave the hell. Tumayo ako.

“Just stop bursting smoke around me!” sigaw ko. And I saw his delicate smile.

Really, Kristine? Allergic ka pa din sa sigarilyo hanggang ngayon? Hindi ba naninigarilyo si Adrian?” nagulat ako at tila umurong ang dila ko. Hindi ako makapagsalita and most of all, I was stunned. Hindi dahil sa epekto ng beer but because of the cigars smoke.

“G-Gino..” nasambit ko. Tuyong tuyo ang lalamunan ko kaya't parang nagagasgas ang pagsasalita ko when I tried to say his name.

“You recognize me after all these years.” wika pa niya at saka muling ibinuga ang huling usok sa bibig niya. Its really suffocating.

“I-I thought y-you were...” naputol ako sa pagsasalita when he is glaring at me. “You thought me that I'll attend that reunion? Kaya hindi ka sumama.” lumunok ako. Nababasa ba niya ang iniisip ko.

Gusto kong tumakbo palabas ng convenient store. Pero nakalock ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. He knows where I lived. He knows my number. Ano pa ang alam niya tungkol sa akin!

“Leave me alone, Gino. Masaya na kami ni Adrian.” pilit kong inilabas iyon sa bibig ko so he will stop intruding my life.

“I was just starting..” nakangiti niyang sagot. What does he mean by that?

Nanatiling nasa mukha niya ang mga mata ko. He changed alot.. From the college boy we admire to an arrogant stranger. Hindi na siya ang Gino na kilala ko. He aged beautifully. And the build of his body remains the same na para bang hindi nadagdagan ang taon ng edad niya. Does he still workout?

Pero ngayon, alam na niyang manigarilyo. He always taught me how to live healthy. Bawal ang cholesterol, too much carbs, bawal sa sweets and be considerate in drinking alcohol.

“Please, Gino. I'm happy now. Uuwi na ako.” sabi ko at sabay kinuha ang wallet at phone ko. Yumuko ako at dumaan sa harapan niya para magtungo sa pinto. Nakikiusap ako na huwag na siyang sumunod.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon