Fourteen

292 14 6
                                    










Nagtataka ako at hindi ko nakita si Gino buong araw. Ang sabi ni Jed, hindi daw ito papasok kaya't nakahinga ako ng maluwag. Kasi wala akong dapat iwasan. Isa pa, wala din siguro siyang lakas ng loob na harapin ako matapos ang nangyari. Sinampal ko siya.. Sa unang pagkakataon.

Pakiramdam ko masakit pa din ang palad ko. At ganun din ang dibdib ko.

“Ate, may lakad ka ngayon?” tanong ni Jed sa akin nang mapansin niyang maaga akong nagliligpit ng gamit. Sinadya ko talaga na matapos ng maaga ang lahat ng pinagawa ni Mam Janna. Magkikita kami ni Regine ata ayaw ko siyang paghintayin. Lalo at may anak siyang inaalagaan.

“Oo, may kikitain akong kaibigan e.” sabi ko. Umalis ako ng eksaktong alas-singko. Mabuti nalang at hindi gaanong mahaba ang pila sa MRT kaya't hindi ko kinailangan, makipagsiksikan.

Nagtext sa number ko si Regine. Nasa SM North siya at dala niya ang anak. Doon daw kasi sila susunduin ng asawa niya kaya't naisipan na din niyang makipagkita sa akin. Nakita ko sa Messenger ang picture na kinuhanan niya habang naghihintay sila ng anak niya sa Food Court. Natutuwa naman ako, dahil masaya na si Regine sa buhay pamilya niya.

Nakarating ako sa mall bago mag-alas sais ng hapon. Pagpasok ko palang ng Food Court ay nakilala ko kaagad si Regine. Kinawayan niya ako.

“Violet!” nakatawa niyang bati at sabay niyakap ako ng mahigpit. Nakita ko ang anak niyang mahimbing na natutulog sa baby chair nito.

“Wow, umorder kana ng pagkain.” nagulat ako nang makita ang mga pagkain sa mesa. Hindi talaga niya hahayaan na ako ang magtreat sa kaniya.

“Oo, kasi for sure ikaw nanaman ang magbabayad.” sabi niya at inabot sa akin ang table napkin.

“Tulog na tulog yon bata.” sabi ko at nagpipigil ako ng sarili na manggigil sa bata. “Wala pa ba kayong balak mag-anak ni Adrian?” natigilan ako sa tinanong niya. At bahagya ay natahimik ako.

“Hindi pa kami makabuo.” matipid kong sagot. Hinawakan ni Regine ang kamay ko.

“It takes time, ano ka ba? Baka sarili mo nanaman ang sinisisi mo?” hindi ko man aminin sa sarili ko, hindi pa din maitago ng mukha ko ang pagkadismaya na baka ako ang may problema kaya't hindi kami makabuo ni Adrian.

“Regine.. I am working with Gino's company.” sabi ko at diretso siyang tinignan. Huminga siya ng malalim.

“Ginugulo ka ba niya?” Ano ba ang isasagot ko? Oo. O hindi..

Hindi ako makasagot.

“Violet, hindi mo masisisi si Gino. Kung gumagawa siya ng mga bagay na magpapagulo sa utak mo. I think its his way to make you understand how hurt he is before.” paliwanag ni Regine.

“Rej, ano pang magagawa niya eh may asawa na ako. Anong gusto niyang gawin ko? Pagtaksilan ko si Adrian.”

Umiling si Regine.

“Naalala mo umalis siya dati without telling us.” tumango ako. “Pumunta siya sa bahay non, he was raging in fury. Hindi niya alam how to handle those kind of emotions. Syempre mga bata pa tayo non. We could just make decisions kapag galit tayo.”

“Tapos he just decided to go out of country. Pinigilan ko siya.” nakikita ko sa mga mata ni Regine na totoo ang sinasabi niya.

“Pero hindi siya nagpapigil diba?” tanong ko at tumango siya. “Pinili niya akong iwan.” matigas kong bulalas. “Na hindi alam kung ano nangyayari sa akin! Ganon na ba siya katigas!” may galit na sa tono ko.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon