Nangangalumata pa ako dahil sa puyat. Maaga kaming umalis ni Adrian sa Cavite para dumiretso sa mga kaniya kaniya namin trabaho. Umalis kami sa bahay nina Mama ng alas-kwatro ng madaling araw. At nandito ako sa opisina ng alas-siete. Dalawang Cafe Amerikano na ang nauubos ko. At pakiramdam ko babagsak na ang mga mata ko sa antok.
“Wow. Himala. Ang aga.” pang aasar ni Jed sa akin. Binaba niya ang dalang bagpack saka naupo sa tabi ko. Magkatabi lang kasi kami ng cubicle kaya malaya siyang asar asarin ako.
“Wag ngayon, Jed. Masakit ang ulo ko.” pagsusumamo ko sa kaniya. Nakasandal ang kalahati ng mukha ko sa mesa. Pati paggalaw ng katawan ko ay mas mabagal pa sa pagong. Nakita kong inilapag ni Jed ang isang Biogesic.
“Kapag naabutan ka na ganyan ni Sir Jeron. Pareho tayong masasabon ng maaga.” babala niya saka humaba ang nguso ko at umikot ang mga mata ko.
“Ano bang akala ng baklang yon! Boss siya dito? Supervisor lang siya.” sabi ko at saka sumandal sa swivel chair ko. Narinig kong tumawa si Jed. Pareho kasi kami ng saloobin sa baklang bisor namin.
“Bali balita, bibisita dito yon biggest client natin.” lumingon ako kay Jed. Nagbubukas na siya ng laptop. “Talaga? Ayos. Makikita natin siya in person.” sabi ko na tila namamaos pa. Mukhang sisipunin pa ata ako.
“Sabi daw ni Mam Aida. Gwapo daw.” bulong pa ni Jed sa akin. Natawa nalang ako. Wala na akong interes sa mga gwapong lalake. Of course, may asawa na ako. Ang mga mata ko nalang ay nakatingin sa iisang lalake.
Napukaw ng atensyon ko ang isang pop up message sa desktop. Kinatatamaran ko pang kunin ang mouse at buksan ito.
I opened the message.
“Shit!” napahawak ako sa labi ko sa litratong naka attach sa message. Its a picture taken during our college years. Its me and Gino noon ika pitong anibersaryo namin.
“Woah! Hindi yan ang asawa mo ah?” nagulat ako when Jed saw the picture. Tinakpan ko ang desktop ng mga kamay ko. “Tumigil ka nga diyan!” sigaw ko sa kaniya but he insist at pinagpilitan silipin ang litrato.
“May jowa ka pala dati. Mas gwapo kay Kuya Adrian.” pang aasar pa niya. Tinakpan ko kaagad ang bibig niya. Sumisilip na kasi ang iba namin katrabaho na kadarating lang. Dinig na dinig ba naman sa buong opisina ang boses niya.
“Shh. Stop it Jed. This is not funny.” matigas kong sinabi saka mabilis na binura ang message. Hindi na nakakatuwa ang nangyayari. Last time, Gino called me. And then we met in person at pagkatapos ngayon may magsesend sa akin picture namin noon.
“May kamukha siya.” anito Jed at nanahimik sa kinauupuan niya.
“Jed, please wag mo ipagsabi yon nakita mo. Its just my ex-boyfriend.” pakiusap ko.
“I know Ate Vi. Wala naman masama to see some old pictures. Pero may kamukha talaga siya..” bumuntong hininga ako. Ayoko nang pakinggan pa ang sasabihin ni Jed. Lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko. Knowing that Gino is a threat.
Sinubukan kong tumayo at magtungo sa comfort room. I need to wash my face. Pagewang gewang pa ako sa paglalakad at parang gusto ko nalang bumagsak.
“Bilisan niyo. Nandiyan na daw yon bago natin client.” narinig kong pinagkukwentuhan ng dalawang employee mula sa Finance Department. Nagmamadali silang magtungo sa office namin. Mukhang doon dinala ni Sir Jeron ang kliyente na galing pa daw sa States. Wala talaga akong interes doon pero dahil isa ako sa mga Financial Consultant, kailangan ko siyang makilala. Binawi ko ang pagtungo sa restroom. At tumuloy kasunod ng dalawang babae sa office namin. Sa pinto palang ay nakita ko na silang nakasilip at nagnanakaw ng sulyap sa nasabing negosyante.
BINABASA MO ANG
My Lover, Intruder ✔️
RomantizmMasaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang...