Thirty

342 13 3
                                    





Kristine!”

Dahan dahan idinilat ni Violet ang mga mata niya nang marinig ang isang tinig na nagmumula sa isang bahagi ng bahay. Sinubukan niyang bumangon pero nanatili siyang nakadapa. Nakatali ang mga kamay niya at ramdam pa din niya ang pananakit ng likod.

Kristine!”

Narinig na muli niya ang pagtawag sa pangalan niya. And this time, she realized it was Gino's voice. Sinubukan niyang magsalita pero nakatakip ang mga labi niya ng duct tape. Kumilos siya mula sa pagkakadapa, at pinilit gumapang patungo sa pinto na nasa harapan niya. Madilim ang loob ng silid na ngayon lang niya napasok. Hindi ito ang kwarto nilang mag-asawa. Maliit ang espasyo sa loob na kasya lamang ang isang kama at isang maliit na mesa sa tapat ng isang bintana. Madilim dahil natatakpan ng maalikabok na kurtina ang tanging nagbibigay sa kaniya ng liwanag.

Gino!

Tawag niya mula sa isipan niya. Pinilit niyang umabot sa pinto. Pero natigilan siya nang maramdaman ang ilan yabag na papalapit sa kaniya. Pagbukas nito ay nasilaw siya sa liwanag mula sa labas.

“Good thing. I hide you in here.” aniya ng isang pamilyar na tinig. Nanlaki ang mga mata ni Violet nang makita si Adrian. Walang tigil sa pag agos ng pawis niya mula sa magkabilang bahagi ng mukha. Sinubukan niyang umatras palayo dito but it grabbed her hand. Kumunot noo siya nang maramdaman ang sakit ng pagkakahila sa kaniya nito.

Pinilit niyang lumaban pero nanghihina siya at nanginginig.

“Just please behave.”pakiusap ni Adrian at dahan dahan tinanggal ang duct tape sa bibig niya. Violet almost caught her breath. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maayos at nawala ang bumabara sa kaniya.

Why would I behave! Ikinulong mo ako dito like a prisoner!” bulalas na sigaw ni Violet. Iniwas niya ang mukha nang akma siyang hahawakan ng asawa.

“Why are you so being stubborn?” pagtaas ng tono ni Adrian at hinila ang buhok nitong nakasayad sa sahig. Napabalikwas si Violet at hindi makalaban sa ginawa ng asawa. Hindi maipinta sa mukha niya ang kakaibang hapdi na nararamdaman habang hawak nito ang buhok niya. The pain of pulling off her hair like it would break her scalps. She didn't expected that Adrian can do that to her. Gustong pumatak ng mga luha niya but its no use. The one who can help herself is her own too.

Behave! And don't you dare sneak away from me.” sabi pa nito at sabay binitawan ang buhok niya. Naririnig ni Violet ang maingay na tunog mula sa dala ni Adrian na kadena. Nagulat siya ng hilahin ang mga paa niya at tinanggal ang mga lubid na nakatali dito. Bumakat na sa balat niya ang higpit ng pagkakatali ng lubid. Naghanap siya ng bagay na mapagkakapitan ng kadena habang nakadugtong ito sa binti niya.

“Now, you're treating me like a dog!” sigaw na muli ni Violet pero hindi siya iniimik nito. Tumunog ang maliit na padlock matapos itong susian ni Adrian. Sinigurado niyang hindi ito mabubuksan at hindi aabot ang asawa sa pinto. Tumayo siya nang hindi ito nililingon.

“Adrian! Bakit mo ito ginagawa sa akin! This isn't you!” gusto nang maiyak ni Violet. This is worst more than she could imagine. Tumingin ito ng pagkatalim talim sa kaniya.

“This is the real me, Violet.” anito at binuksan ang pinto. Sa isang iglap, muling dumilim ang mundong ginagalawan niya. Everything she believes in was all a lie. Hindi na niya alam kanino maniniwala, but one thing is for sure. Gino was the only true thing that happened to her.

Dahan dahan inihiga ni Violet ang buong katawan sa sahig. Malamig ito at wala siyang ibang maramdaman kundi ang panginginig niya. Kaunting liwanag lang ang nakikita niya mula sa bintanang takip ng mga kahoy. At balot ng itim na kurtina. She tried to inhale some air but its suffocating her. Siguro dahil saradong sarado ang kwartong iyon. Ni hindi niya alam na may ganitong silid ang nag eexist sa bahay nila. Paano nga naman niya malalaman? Adrian owns the house na minana niya sa magulang. She even didn't tried to get to know the place. She admitted that she was overwhelmed kaya't hindi na siya nag abala na libutin ang bahay.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon