Twenty Nine

318 13 1
                                    



Bahagyang pumreno si Gino sa bigla niyang pagharurot ng minamanehong sasakyan. Napansin niyang napapabilis na ang pagpapatakbo niya at hindi niya namamalayan ang bigla biglang pag-iiba ng estado ng trapiko. Naalala niyang nagkukumahog siyang umalis matapos sabihin ni Janna kung saan maaring matagpuan si Lawrence. Pero hindi iyon talaga ang tumatakbo sa isipan niya, kundi ang mga akusasyon ni Janna tungkol sa nakakatanda niyang kapatid.

Marika couldn't possibly inloved with him. Halos buong buhay niya ay tinuring niya itong kapatid. Kaya parang hindi siya makapaniwala sa mga narinig kanina. But Janna was serious and not playing tricks at all. At kilala niya ito, it wouldn't joke around something as serious as like this. Mabigat ang paratang niya.

Bumuntong hininga siya at sandaliang ipinarada ang kotse sa tapat ng isang bakanteng parking lot. He is suffocating. Not because of the heat from being drunk, but from the idea that Marika has feelings for him. Sandali siyang lumabas ng kotse matapos tumigil. Mataas ang sikat ng araw ng alas-dos. Mainit at sabayan ang mausok na kalsada gawa ng dikit dikit na sasakyan. At dami ng taong naglalakad sa gilid.

Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa, and he check again the address, Janna sent to him. Ilan kanto nalang ang dadaanan niya para marating ang posibleng tinutuluyan ni Lawrence. He tried to contact Violet, too. Pero walang sumasagot. Naisip niya na baka nagpalit ito ng number. Gusto sana niyang sabihan ito na makakausap na niyang muli ang dating kaklase kahit alam niyang matindi ang trauma ni Violet kay Lawrence. He thinks it would be the best to free theirselves from the past. Para makalaya na din ang dating nobya.

Ito nalang ang hinihiling niya, kahit na hindi na makipagbalikan pa ito sa kaniya.

“Gino!” nagulat ang binata sa biglang pagtawag sa kaniya ng isang tinig. Paglingon niya, nakatayo ang isang binata na hindi nalalayo ang tangkad sa kaniya. It wears a plain shirt at may dalang paper bag na laman ay groceries.

“Lawrence!” sigaw niya sa gulat na makita ito.

****

Nagyaya si Gino sa isang malapit na cafè along Pasay road. Hanggang sa makaorder ang binata ng kapeng maiinom nilang dalawa ay hindi siya umiimik. He just can't believe na nagkaharap silang muli ni Lawrence. The last time he saw it was like seven years ago, at ang huli niyang natatandaan ay kung paano siya galit na galit na sinuntok ito at binugbog after he saw him with Violet at some random hotel.

Until now hindi siya makapaniwalang kayang gumawa ni Lawrence ng ganon. Yes, the guy was naive and wild when they were young. Laging laman ng Dean's Office ang binata, iba ibang barkada ang sinasamahan at laging nagkakaproblema sa Academics. But he once believed that Lawrence was a good guy.. Yes he always flirts with one girl to another but he never thought na gagalawin nito si Violet.

“Kape?” nagulat siya ng ibaba ng binata ang dalawang tasa ng kape sa mesa nila. Inilapag nito sandali sa katabing upuan ang dala dalang grocery bag.

“Long time no see. Hehe. I can't imagine we will meet again like this being casual.” nakatawang sinabi nito. Nakatingin lang sa kaniya si Gino. Iniisip niya na mukhang sa pamumuhay nito ngayon ay maayos na ito at hindi na ito ang kilala niyang kaklase noon.

He changed for the good.

“I'm glad na maayos na ang buhay mo.” aniya ni Gino bago hinigop ang mainit na kape. Sandali siyang tumanaw sa kaharap nilang bintana.

“Well, same to you. Masaya ako kasi babalikan mo na si Violet. I mean seven years is too much to wait for.” bumalik ang tingin niya sa kaharap na kaklase.

“Babalikan?” nagtataka niyang tanong.

“Yes. I know I did some mistake in the past. I already told her I'm sorry.” sabi pa niya at ibinaba ang tasa. Binuksan niya ang isa pang sugar packets at inilagay sa kape niya at pagtapos ay hinalo.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon