Nine

311 15 0
                                    






Nagtatakbo ako pasakay ng MRT. I'm late!
Humahampas sa katawan ko ang shoulder bag ko habang nagkakaripas ako sa pagtakbo paakyat ng istasyon. Alas-siete na ako gumising at alas-nuebe ang pasok ko. Tapos Lunes ngayon at rush hour na kaya't sabak sa malaking gera nanaman ang pagpasok ko ngayon. Wala na akong pakealam kung magulo ang buhok ko, ang mahalaga hindi ako ma-late!

Hindi na din ako nakapag-almusal o nakapagkape man lang. Tapos ang napili ko pang suotin, yon blouse na binili ko non makagraduate ako noon college. Hindi pa ako naglalaba at tambak pa ang marumi kong damit. Bakit kasi hindi ako na-train sa time management? Kasalanan ko ito dahil umaasa ako kay Adrian.

Sumakay ako ng MRT, siksikan na parang sardinas ang peg namin sa loob. Halo halong amoy ng pabango at pawis ang pumapasok sa ilong ko. Isabay pa ang ilan pasahero na ginawang kapitan ang bag ko na akala mo nanakawin nila. Hindi na bago ito, sa araw-araw na rush hour sa MRT. Pagpasok mo, mabango ka. Paglabas mo, amoy pawis kana din.

Alas-otso y media ako bumaba ng MRT Santolan. Nagmamadali na ako sa paglalakad kahit na nadadapa na ako sa sarili kong mga paa.

“Violet!” nahinto ako nang marinig ko si Mam Janna na tinatawag ang pangalan ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako mag-isang late. Sumabay ako sa kaniya paakyat sa opisina.

“Late na po ata ako?” tanong ko habang papasok na kami sa loob ng elevator.

“Hindi no. Si Leo nga pumapasok ng alas-diyes e.” nagulat ako sa narinig. Kung sa office namin yan, bakac nasesante na si Sir Leo.

“Buti po pumapayag si Mam Marika at Sir Gino.” natawa si Mam Janna. “Oo, basta mahalaga pumasok ka ngayon araw, ayon lang bawas yon sa oras sa sahod mo. Hindi na minimum. Saka si Gino alam niyang responsable ang mga employee niya. Nagpapalate lang talaga kami kapag may valid excuse.” I get its point.

Alam ni Gino kung kailan kailangan tutukan ang isang tao at kung kailan hindi.

Pagpasok namin sa office, nandoon na si Jed na nakatutok sa laptop niya. Habang si Sir Leo, nagkakape at nakatayo sa harapan ng window glass.

“Almusal kana, may dala akong pandesal.” yaya sa akin ni Mam Janna pagkababa ko ng bag ko. Kumakalam ang sikmura ko. Kailangan ko talagang kumain.

Binitbit ko ang phone sa pantry at ganundin ang tasa ko. I tried to message Adrian. Nakita ko sa Instagram ang post niya last night kasama ang ilan trainees habang nagpapapicture sila sa harap ng Merlion.
Namimiss ko ang asawa ko.

“Is that your husband?” nagulat ako nang lumapit si Mam Janna at nakita ang picture sa phone ko. Naupo siya sa tabi ko.

“Ah opo. Si Adrian.” sabi ko at nahihiya pa.

“Mukhang mabait no? Hindi gagawa ng masama.” nakatawang sinabi niya. Hindi naman talaga ganoon si Adrian. Tipong gagawa ng masama sa asawa niya. Kung tutuusin, he's almost perfect. Ako lang naman itong may kakayahan gumawa ng hindi maganda eh.

“Matagal na kayo?” she asked again. “Mag 3 years na po.” sagot ko. “So how is marriage? Nakakasakal no. Non bago lang kami ni Jaypee yon, asawa ko. Palaging may demands, saka ang daming obligasyon.” hindi ko naman naranasan iyon kay Adrian. Palagi siyang gumagawa kahit hindi ko na sabihin. Ni hindi ko nga natatandaan na nag-away kami. Kahit non maging boyfriend kami. Kailanman, hindi ko siya nakitang nagalit sa akin.

“Eh, si Gino ba? Paano siya maging boyfriend?” nagulat ako nang banggitin niya iyon. “Po? Ah..” hindi ko alam ang isasagot. Nahihiya ako.

“Nacucurious kasi ako, matagal na namin kilala si Gino pero walang nakakaalam paano siya maging gentleman.” sabi pa niya. Yes, a hundred percent chivalry si Gino. Hindi ako magkakaila. “Bigyan mo naman ako ng idea.” pangungulit ni Mam Janna. Hindi na ako tumanggi. Wala naman masama na ikwento sa kanila ang nakaraan.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon