Thirty Three

484 15 1
                                    



14 years ago,

Bumagsak si Adrian at ang mga dala niyang libro. Nagkalat ang mga papel na nakaipit dito at saka inihagis ang bagpack niya. Pinagtatapakan ito ng mga estudyanteng ahead sa kaniya ng isang taon. At sabay ibinato sa kaniya ang baon niyang water jug.

Naluluha na ang binatilyo sa natatamo niyang sakit habang sinasaktan siya ng mga ito. He couldn't stand for himself being afraid that he might beat up. Baka lalo siyang madala sa kapahamakan kapag nanlaban siya.

Hoy!” nagulat ang tatlong binatilyo sa boses na narinig. Paglingon nila ay nakita nila ang second year transferee na si Gino. May hawak itong dalawang matigas na arnis.

Bullying others ha!” sigaw niya at inakmang papaluin ng kahoy na arnis ang tatlong binatilyo na hindi nalalayo sa kaniya ang laki. Nagkakaripas sila ng takbo at binitawan ang mga gamit ni Adrian. Gino sighed with relief. Arnis lang pala ang kailangan niya para matakot ang mga iyon.

“Okay kana?” tanong niya sa binata at inalalayan itong makatayo. Pinagpag ni Adrian ang suot na uniporme. Kinuha naman ni Gino ang nadumihan bagpack.

Salamat ha. Pero sana hindi kana nakigulo. Baka ikaw ang pag initan.” umiling agad si Gino.

Asa sila na kaya nila ako?” pagmamayabang niya. Natawa si Adrian. Kilala niya si Gino, ito ang kinukwento sa kaniya ng bestfriend na si Violet. Ito yon long time crush ng kaibigan niya.

“Wag ka magpapabully sa mga iyon. Babalikan ka nila pag ganun.” babala ni Gino at inabot sa kaniya ang waterjug.

Paano? Patpatin ako. Kahit iwasan ko sila, pag iinitan nila ako.” pabulong na katwiran ni Adrian. Natawa bigla si Gino at tinapik ang balikat nito.

“Sama ka don sa Judo namin. After class iyon. Tuturuan ka doon ng self defense.” nagulat ang binata. Akala niya ay ililigtas lang siya nito, mukhang tuturuan pa siyang manlaban.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon