Seventeen

251 12 1
                                    









Umaga ng Sabado, ang usapan namin ni Gino na  magkita. Nagpresinta kasi siyang ihatid ako sa Cavite. Nakaayos na ang ilan gamit na dadalhin ko pauwi, including personal things at ilan pasalubong kina Mama. Nakalimutan ko din magtext na may kasama akong umuwi. For sure, magugulat sila kapag nakita si Gino, lalo na si Mama.

“Sakay na.” tawag niya sa akin nang huminto siya sa tapat ko. Dala niya ang Montero Sport na palagian niyang gamit sa pagbyahe. Isinakay ko ang mga dala ko sa likod ng sasakyan. Napansin ko ang ilan bilao na may takip at isang kahon.

“Para saan yon dala mo?” tanong ko nang makasakay ako sa harapan. Sandali siyang nag U-Turn sa pinakamalapit na u-turn slot.

“Pasalubong ko sa inyo. Mga pagkain iyon at ilan regalo na I think magugustuhan ng mga pinsan mo.” nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi na ako nagsalita. Mukhang siya pa ang mas excited na makita sina Mama. Binagtas namin ang kahabaan ng Edsa at Ortigas. Hindi ko naman namalayan nakatulog ako sa byahe. Malakas ang aircon sa sasakyan, at dahil maingat siya sa pagmamaneho, nawala ang atensyon ko sa pagbabrowse ng cellphone ko at bigla nalang akong nakatulog.

Nagising nalang ako nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan. Pagdilat ko, tumama agad sa mga mata ko ang nakakasilaw na liwanag mula sa tanghalian. Lumingon ako sa driver's seat at wala si Gino. I decided na bumaba ng sasakyan. Nasa isang gasoline station kami at mukhang nagpagasolina siya.

“Nasaan kaya iyon?” tanong ko pa sa sarili ko. Sabado ngayon kaya madami ang bumabyahe papasok ng Cavite. Puno ang mga stop over, at mga fastfood sa kahabaan ng Cavitex. May iilan din tourist bus na mukhang may fieldtrip sa Tagaytay. Hinanap ko ang pinakamalapit na restroom. Malamig na malamig kasi sa sasakyan kaya't mabilis ako makaramdam ng ihi.
Panay pa ang pag-inom ko ng tubig. Hindi masiyadong mahaba ang pila kaya't nakapasok ako ng restroom.

“Kristine!” nagulat ako nang marinig ko na tinatawag ako ni Gino. May dala siyang Frappe na galing sa Starbucks. Kalalabas ko lang ng CR at lumapit ako sa kaniya.

“Kain muna tayo. Nagugutom ako.” sabi niya at saka tumalikod. Sumunod ako sa kaniya sa Starbucks kung saan siya umorder ng pagkain namin. Hinila niya ang isang upuan at doon ako umupo. Ibinaba ko ang dala kong shoulder bag sa ibabaw ng mesa habang siya ay pumila para umorder ng pastries na kakainin namin.

As usual, amoy barakong kape sa paligid. At may iilan customers na nagkukwentuhan at panay ang pagkuha ng selfie sa iba't ibang sulok ng cafeteria. May mga estudyante, couples at isang pamilya. Kinuha ko ang phone sa bag ko at napansin ang lumutang na message ni Adrian. Binuksan ko iyon.

How are you Mahal? Malapit na ako umuwi. Anong gusto mong pasalubong?

Nag-isip ako ng gusto kong ipabili sa kaniya. At dahil nasa Singapore naman siya, I thought magpapabili nalang ako ng mga bagay na wala dito.

“Binilhan nalang kita ng Cappucino. If its still your favourite?” inangat ko ang tingin ko kay Gino na nakatayo sa harapan ko. May dala siyang tray at binaba sa harapan ko. Hinawi ko ang bag ko na halos humaharang sa mesa namin. May dalawang plato ng mango blanc slices, dalawang tasa ng magkaibang flavor ng kape at table napkins.

“Kain na.” yaya niya sa akin. Tahimik kong kinuha ang isang pares ng kubyertos.

“You really like mangoes right?” tanong ko. Hindi ko talaga iyon balak na banggitin pero dahil iyon pa din ang madalas niyang iorder ay hindi maalis sa isipan ko na sabihin iyon. “Ah oo. Weird no?” tumawa siya bago isinubo ang itinusok niya sa tinidor.

“Hindi naman. Naalala ko lang bigla.” sabi ko pa at itinuon na sa pagkain ang atensyon ko. Pasulyap sulyap ako sa kaniya habang hawak niya sa kaliwang kamay ang cellphone. Sumusunod sa paggalaw niya ang mahaba niyang buhok. Mukhang hindi pa siya nagpapagupit. Ayaw pa naman niya ng sumasayad ang buhok sa noo, iritable siya.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon