Fifthteen

297 16 1
                                    












Huminto ang kotse sa mismong tapat ng bahay ko. Nanatili akong walang imik hanggang sa buksan ko ang pinto. Sandali ko siyang sinulyapan at napansin kong nakatingin lang siya sa manebela niya at walang balak magsalita. Huminga ako ng malalim. I shoudn't expect anyway.

Hanggang sa makalabas ako ng kotse ay talagang hindi na siya nagsalita. Hindi na din ako lumingon pa sa kaniya o nagpaalam. Nilabas ko sa bulsa ko ang susi ng gate.

“Kristine..” nagulat ako nang marinig ang tinig ni Gino. Nakadungaw siya sa bintana ng kotse. “Pumasok ka ng maaga bukas,” sabi niya bago ko pa man buksan ang gate. Tumango lang ako.

I swallowed my pride. “Gino.. Sorry about what I did to you.” at yumuko ako.

“Its okay Kristine.” umiling iling ako. Hindi man lang siya magalit sa akin. Sumigaw siya at ipamukha sa akin ng mga pagkakamali ko. Lagi siyang ganito, laging okay lang. Kahit alam kong hindi na.

“No, everything.. for everything..” parang papatak na ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan niya. At bigla ay dumampi na ang maiinit niyang palad sa pisngi ko para pahidin ang mga luha ko.

“You don't have to be sorry, you just loved.” sabi niya at kinuha ang panyo sa bulsa.

“Pero sinaktan kita.” at tuluyan na akong umiyak na parang bata. Gino chuckled.

“Pain grows within me, Kristine. And your love healed it. So cheer up. Hindi ako galit o masama ang loob.” ngumiti siya at dahan dahan hinila ako sa mga bisig niya.

“Magpahinga ka, okay.” binulong niya sa tenga ko at saka ko pinilit ngumiti. Nakakagaan ng pakiramdam ang yakap niya. Para ba nitong binura ang mga pagdududa ko sa sarili at galit na pilit kong tinatago.

“Sige.” hindi ko siya matignan ng diretso.

“Oo ba. Papasok ako ng maaga bukas.” ngiti niyang sagot sa akin. Hinintay ko siyang makaalis bago ako pumasok sa loob. Hindi ko naman napansin tumatawag si Adrian at hindi nagvibrate ang phone na nasa bag ko.





__




Nagising ako sa walang tigil na pagtunog ng phone ko.
Pinilit ko pang bumangon sa kama at inabot ang phone na nasa side cabinet. Nakita ko ang pangalan ni Mama at sinagot ko ang tawag.

“Ma?”

Anak? Umuwi ka sa sabado ha. Death anniversary ng Papa mo.

“Ah.. Oo nga po pala.” Hindi ko pupwedeng makalimutan ang anibersaryo ng pagkamatay ni Papa. Ilan taon na din ang lumipas simula noon mamaalam siya. Hindi ko na din matandaan ang mukha ni Papa.

“Opo, Ma. Uuwi ako nitong Sabado.” sabi ko bago ibaba ang telepono. Bumaliktad ako ng pagkakahiga at nakatingin lang ako sa kisame. Tumataas na ang sikat ng araw na tumatama sa bintana. May hangin na umiihip sa pinto at tila tinatangay ang kurtina.

Nakita ko ang alarm clock. Mag aalas-otso na at hindi pa din ako kumikilos. Halos twenty years na ang nakakalipas pero pakiramdam ko sariwa pa din ang pagkamatay ni Papa.

__

Lumulutang ang isipan ko habang pasakay ako ng elevator. Hindi ko napansin na tinatawag pala ako ni Jed.

Ate Vi!” sigaw niyang muli. At saka lang ako lumingon para makita siya na hinahabol ako papasok ng elevator. Iniharang niya ang kamay para hindi magsarado ang pinto.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon