I sat helplessly, hoping that he'll come back and then join me here again. Ang mga tingin ko ay nanatili lang doon sa kung saan siya nakalabas kanina. I've been staring at it for the whole minute but Alonzo didn't appeared.
Nakatulala na ako at kung hindi pa dahil sa waiter na nagtanong kung ano bang order ko ay hindi ko nagawang maialis na ang tingin pa roon.
Mabagal kong nilisan ang lugar saka nagdesisyong hindi na muna umuwi. I have no things to do. Kahit na mayroon naman ay sigurado akong hindi ko magagawa ng maayos dahil sa sitwasyon. My mind will be occupied by what happened recently.
Sinubukan kong imaneho ang sasakyan papunta sa kung saan, walang patutunguhan kung ano bang lugar ang pupuntahan ko para maibsan ang lungkot. I wanted to go somewhere where I can feel the peace they called.
Our break-up happened peacefully. Ganoon ang kanyang rason para tuluyang makawala na sa akin. And I was not wrong of my speculations. Na sinasanay na nga niya pala talaga ako sa ganitong sitwasyon kung saan hindi ko na siya makakasama.
It's sad because after we parted our ways, we didn't have our special moment before he did that. Masakit naman iyong ginawa niya. Siguro noong nasabi na niya ang mga katagang mag-aaral na nga siya sa ibang lugar ay medyo nalungkot ako pero wala, eh. Alam kong wala akong laban sa kanyang pangarap. It's his first love so why would I not allow him to chase that?
Nakakalungkot na habang siya ay handa nang bumitaw, ako naman ay patuloy pa rin siyang minamahal. Bakit ganoon? The only person who accepted and loved me fully gave up? Dahil ba sa alam niyang wala akong kakayahang humawak ng isang relasyon kapag malayo siya? I bet that's one of the reasons but all I want for him is to finally see him slowly reaching his dream.
He left me while I didn't say my proper goodbye for him. Hindi niya ako hinayaang gawin iyon dahil sa tila importante ang kanyang oras.
My boyfriend left me. Kahit maikling panahon lang ang nangyari sa amin, malaki ang naging parte niya sa buhay ko. We have similarities and that is to focus on our goals. Hindi naman mali sa akin ang ganoong rason niya pero iyong hindi man lang sinabi sa aking sinasanay na pala ako para sa ganitong araw na iiwan niya ako? I think, that hurts the most.
Napahinga ako ng malalim saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan. I ended up going to the farm where we spent our morning before. Hininto ko ang sasakyan sa labas at nanatili sa loob ng sasakyan. I reminisced all our days being together in here.
Gusto kong magsumbong at sabihin lahat ng hinaing pero kanino? Ayoko namang pati ako ay problemahin pa nila. Ayokong makaistorbo nang dahil lang sa pinagdadaanan ko.
I watched how those animals go back and forth. Wala akong ibang maramdaman kundi puro lungkot at pag-iisa lang. Added by how broke I am today. Gusto ko na lang iiyak lahat pero bakit hindi ko magawa?
I licked my lip and remained sitting. Ilang linggong wala siyang text at paramdam sa akin tapos ito na pala ang huling araw na makikita ko siya. Nasorpresa naman ako. Didn't know that not all surprises can be happy and more meaningful. Itong akin ay masyadong masakit lang talaga.
Hindi ko na lang binilang ang oras dahil bawat segundo naman sa akin ay walang kahalagahan ngayon. Hinayaan kong magtagal ang sarili sa loob ng sasakyan na walang ginagawa.
My phone vibrated. Iyong puso ko ay lumundag na parang umaasang galing kay Alonzo iyon. But then it weakened again when I saw Jacob's message for me.
From: Jacob
Swerte nung isa dyan. Siya lang gusto ko.
I didn't reacted on that. Ewan ko kung trip niya lang ba o na-wrong send dahil alam kong nagsasaya ito ngayon. Hindi ko nagawang replyan iyon at tila naging tulala na naman ang paningin ko sa kawalan.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
General FictionThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...