Chapter 20

104 3 0
                                    

"Why you're having this kind of courage now, huh? 'Yan ba ang nadudulot ng pag-amin mo sa akin?" I asked him. Prente lang itong nagmamaneho ng mabagal. I know that he's slowly driving it so that he can be with me for long.

Hindi ito nakasagot. I rolled my eyes and crossed my arms and became contented with what I am doing. Hindi ko ba alam kung pati iyong naging rason niya sa akin ay totoo ba o kung isang pagdadahilan lamang.

Ang dali ko naman kasing maawa pagdating sa kanya. I want to return all the favor that I've asked him before. Kaya kahit sa ganitong paraan man lang, makabawi rin ako.

"Hmm. Nakakatapang pala kapag nakaamin na ang isang tao tungkol sa nararamdaman niya ano? Nakakaginhawa sa pakiramdam," he talked. I raised my palm and let him faced it. Nadinig ko pa ang mahinang pagtawa nito.

"Talk to the hand." Ipinaharap ko sa kanya iyon. Para akong tanga habang siya ay patuloy lang sa tawa.

Hinawakan niya iyon. Napakislot ako sa pagkakaupo dahil sa damang-dama ko iyong panlalamig niyon. Instead of pulling it back to me, I let him hold it for long.

Ang kanyang atensyon ay nasa unahan lamang habang ang kamay ay nasa akin lang. I don't know what he's up to. Kung balak niya namang magpakamatay kasama ako, pwes, wala akong balak pang mawala rito sa mundo.

Gusto ko ngang kasama siya minsan pero sana huwag naman hanggang kamatayan. Mas okay na iyong ako ang mauna kaysa kanya. Mahina ako pagdating sa mga ganoong bagay. My heart is weak and I can't recover on that.

Kasi, kung ako ang mas mauuna, alam ko namang matapang niyang haharapin ang kalungkutan. Unlike me, I'm too fragile. Lalo na kung tungkol sa kanya ang pinag-uusapan.

"Alam mo bang ang sarap gustuhin ng may nagmamay-ari sa'yo? Manhid masyado pero wala, eh. Lakas ng tama ko do'n," he talked while still holding my hand. Nangingiti pa ito kunwari kahit na alam namang nasa harap na niya ako, nagtataka sa kabaliwang kanyang ginagawa.

"Siguro, ganito talaga kapag sobrang gwapo ko. Binabalewala tapos friendzone lang. Ampucha. Sayang lahi ko sakali," he joked and then I grabbed his hair and pulled it. Sinabunutan ko siya tapos puro tawa lang ang nagawa niya.

His confidence is too much. Paano pa ba kung hindi nga ito naglakas loob na umamin sa akin? Ganito rin ba ang gagawin niya? He'll have this moment with me? Buong tapang din ba niyang sasabihin lahat ng ito sa akin?

"Yabang mo masyado. Hindi ko alam kung saan mo nakuha iyan," I said to him. Pansin kong mas lalong bumabagal lang ang takbo ng sasakyan ko.

"Sorry na. Pagbigyan mo na muna ako ngayon."

"Yeah. Whatever."

Napuno ng asaran iyong sandaling dapat ay pagmamaneho lang niya. Hindi naman ako naiilang sa mga ipinapakita niya sa akin. Sanay na ako sa kanya tapos syempre, sa ilang taong kasama siya, wala namang oras na hindi ako aware sa mga ipinapakita niya.

Kung alam niya lang talaga kung gaano ako katakot kapag nawala siya sa tabi ko. If there is one thing that I am hiding from him, that is getting scared of losing him. Iyong pagkawala na wala nang pag-asa pang maibalik siya.

Death. The death of him will be the death of me also. Buong buhay namin, naging magkasama kaming dalawa. Sanay kami sa isa't isa tapos hindi ko lang maisaisip na baka sa susunod, o 'di kaya kapag wala akong kamalay-malay, mangyari ang bagay na iyong kinatatakutan ko.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now