Chapter 14

89 3 0
                                    

"Pa, I wanted to be like you in the future," saad ko. He just stared at me with full of positivity in his eyes, like he already supported me on what my decision is.

Sa kanya ko yata nakuha ang pagmamahal sa dagat kung saan handa akong ibigay ang makakaya ko para sa mga pangarap ko. He's working on a cruise ship. At katulad din niya, gusto kong magtrabaho rin doon balang araw.

He nodded his head while eating both our favorite food. We both like chicken dishes.

"Sure. Anything for you. Nakasuporta naman ako lagi sa'yo, anak. Just always remember that maybe for some people, ocean is a large graveyard. It took many lives of people, but I am sure that you'll love the calmness of the waters at night. Sinisigurado ko 'yan sa'yo," he replied while having his smiles. Ganoon din ang naging tugon ko sa kanya.

Of course. I'll work there no matter what may happen.

"At plano ko nga po sanang mag-aral maging piloto kapag nakapagtrabaho na ako sa barko."

"Really? Then that's good. Alam ko naman na kakayanin mo ang lahat, anak. Ikaw ang magiging kauna-unahang piloto sa pamilya natin niyan." My father back then told me that he wanted to be a pilot. But instead of conquering the sky, he ended up conquering the sea. Iyon ang malaking pangarap niya sa sarili pero hindi natupad kasi sa kanilang pamilya, puro sa barko lahat nagtatrabaho so it's like a tradition for them.

I cleared my throat. Uminom ako sa tubig na nasa gilid bago nagsalita ulit.

"I want to conquer both the sky and the sea. Gusto ko pong matupad po iyong pangarap niyo dati sa sarili ninyo. And I want to have you on both of my success." Na kahit sa ganoong dahilan man lang ay makita kong magkasama sila ulit ni Mama. He knew that I wanted to witness all of my successes with both of them on my side.

He smiled weakly as if I said something that weakened him. Ramdam ko ang tila pagkailang niya sa sinabi ko.

As far as I know, they are in good terms. Nagkahiwalay nga sila pero alam kong pareho silang mabuti sa isa't isa. My father has no any hatred at all to my mother.

"Ah... syempre naman. Hindi naman ako mawawala sa espesyal mong araw. I will be at your side," tugon niya na ikinaginhawa ko.

"So, hanggang sa kasal ko rin po ba?" I jokingly asked him. Pinigilan ko ang mangiti nang mapansin ang kanyang gulat na eskpresyon.

"Ano? Ikakasal ka na?"

Napairap ako ng bahagya. Sa edad kong ito, hindi ko pa naiisip na magpakasal. I'm too young for that decision. Kaya ko ngang magdesisyon na sa sarili pero wala pa sa isip ko ang kasal na 'yan.

"Hindi naman, Pa. What I mean is, nandoon ka rin ba kapag ikakasal na ako sa susunod? Kailangan dalawa kayo ni Mama."

"Sus, syempre oo naman. Para sa ano pang naging Papa mo ako? Gusto ko ngang masilayan kang nakangiti habang naglalakad ka papuntang altar. Maranasan ko man lang din umiyak sa harap mo."

I laughed at that. Natawa rin ito sa nasabi kaya halos hindi na kami nakakain ng maayos.

Mula naman dati ay hindi ko nasilayan sa kanya ang umiyak. I've never seen him shedding a tear in front of me. Wala naman sa listahan kong makita nga siyang umiiyak, 'di bale na lang kung dahil sa tuwa ang dahilan niyon.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now