Chapter 13

86 2 0
                                    

Bilang kaibigan niya, tila naging pahiwatig iyon sa akin na kahit hindi niya alam ang rason kung bakit ko siya niyaya rito, napagaan ang loob ko kahit kaunti. He's the only one I can be with for now. Hindi naman gaano kalaki ang problema ko.

Hinayaan niya akong uminom doon. He's just singing, trying to entertain me. Hindi ako sumubok kahit ilang beses at nakuntentong uminom na lang.

We're the best buddies when it comes to this. Kung ako ang umiinom, siya naman ang hindi tapos kapag siya naman, ako ang hindi umiinom. Kayang-kaya naman niya akong iuwi kapag nasobrahan ako ng lasing dito.

I drank another bottle of beer again. Paminsan-minsan akong napapatingin sa phone pero kahit isa mula kanina, wala akong natanggap na mensahe mula kay Alonzo. Siguro sinasanay na niya ako?

I don't know if I can be ready. Sana nga lang kasi ayokong maisip na naman niyang nagiging selfish ako.

All I want for him is to become successful and yet, he still called me selfish. Grabeng impact no'n sa akin. Para akong sinampal ng makailang beses kahit hindi ko naman deserve. Ganoon ba kung mag-isip ang mga magdo-doktor?

I shook my head and then stop thinking about him. Hihintay na lang ako kapag lumamig na ang ulo niya dahil hindi naman kami magkakaintindihan kapag pareho kaming ganito.

"May problema ba kayo ni Alonzo? Care to tell me?" he asked and sat beside me. Umiling kaagad ako, tumatanggi nang sabihin pa sa kanya ang rason.

"We're okay. Ano ka ba, wala kaming problema. It's just that we are still on our busy times," pagpapalusot ko na lang. Hindi ko alam kung epektibo ba ang pagsisinungaling ko sa kanya.

"So ibig mong sabihin, wala na siyang time? Naku, you can count on me kung gusto mo siyang ipasapak. Ano?" natawa ako sa kanya. He will always be the joker.

"Huwag na. He's... studying. Saka ayokong makaistorbo. Thanks for your kindness, though." Nanatili akong tumutungga habang nakikinig sa tugtog ng kanyang dapat ikakanta.

He sighed deeply as if he's not contented on my answer. Hinayaan niya lang akong gawin ang mga kagustuhan ko dahil alam nitong sa ganito lang ako makukuntento.

"Gusto mo bang sumama sa akin sa beach? Iyong sinabi ko sa'yo? Lapit na 'yon saka pwede namang magdala ng kasama. O baka naman gusto mong gawan kita ulit ng burger para maging masaya ka?" He invited me and I immediately laughed hard.

Kung tutuusin, mas magiging masaya siya kasi kasama niya iyong iba niyang barkada. I won't let him drag me there just to make me more satisfy and be happy. Karapatan din naman niyang maging masaya kaya bakit ko isisingit ang sarili ko?

"Nope. You should enjoy with them. Hindi ka naman nakakadena sa akin kaya go for it. It's your time to bond with your other friends as well," saad ko.

"But you're my friend, too. Mas nai-enjoy ko pa nga ang buhay kapag kasama ka."

Napaismid ako sa kanya. His mouth is full of sugar-coated words now, huh? Ganito ba kapag ako na mismo ang umiinom sa kanyang harapan?

"Cut that shit, Jake. Ang luma mo kung bumanat. Mabubuhay ka naman kung wala ako kaya bakit ka nagdadrama?" I jokingly asked. Sinasabayan na niya akong umiinom ngayon na tila nakalimutan nang kumanta pa.

Saglit itong hindi napasagot at napatitig sa kawalan. We are surrounded by the music and yet, he was able to do that. Balewala na iyon sa kanya.

"Alam mo bang masyado kang importante sa buhay ko? Ewan ko nga kung alam mo iyon pero in case na hindi, sinasabi ko na sa'yo."

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now