For a person like me who's lucky having Jacob as a friend is totally a blessing. Nang mga sumunod na araw ay mas pinili nga nitong pagbigyan ako sa naging hiling ko sa kanya.After our classes, he's the one deciding to take me somewhere so that I can have an idea about the venue. Pabor na ako doon kasi naman, sa aming dalawa, kahit hindi pa man ito nagkakaroon ng girlfriend, maganda ang ideya tungkol dito.
Alonzo's busy now. Naka-text lang ako sa kanya kanina pero hindi pa ako nakakatanggap ng reply.
We have our free time today at mas maaga ang naging pagtatapos ng klase. We ended up going to some places. Natagalan pa ako ng hintay kanina kay Jacob dahil sa kanyang klase.
"Nagkakausap pa ba kayo ni Alonzo? Baka naman hindi na?" he asked while driving.
Nagkibit balikat ako. Of course, we still talk. Iyon nga lang, sa gabi lang kapag hindi pa ito masyadong pagod.
"Oo naman," I laughed. "Nagkausap naman kami kagabi tapos kaunting kwentuhan lang. Hindi naman nawawalan ng time iyon sa akin kapag hindi importante ang ginagawa."
He nodded his head. Nakauniporme pa kaming dalawa at fresh pa ang kanyang dating.
"Suportado mo talaga, ano? Ano bang pakiramdam magkaroon ng boyfriend na doctor?"
"Tss. Malamang, nakaka-proud. I mean, in a good way. Mas maganda naman kasi iyong tipo ng lalaki na may pangarap sa buhay," I replied. Napansin ko ang pagkunot noo nito.
Tuwing tinatanong naman niya kasi sa akin si Alonzo, parang bawat detalye tungkol sa kanya ay balak alamin. They knew each other but didn't meet formally yet.
Hindi pa sila nagkakausap na dalawa talaga.
"Ganon ba? May pangarap naman ako, ah?"
"What?" naguguluhan kong tanong. Mahilig magsingit ng mga walang koneksyon sa nagiging topic.
Umiling-iling ito saka tumawa.
"Wala. Nga pala, remind mo ako sa monthsary niyo. Baka may klase ako tapos hindi man lang kita masamahan," I nodded my head too as a response.
It was a long ride for the both of us. Nang makarating na kami sa sinasabi niyang pagdarausan ay kaagad na kaming nagpa-book.
The place he chose is quite relaxing. Parang floating restaurant iyon na idinugtong lang sa isang bridge na nagsisilbing tanging daanan. It's wide and too much space for me and Alonzo. Mas okay naman sa akin kung nasa simpleng mesa lang kami tapos napapalibutan ng mga dekorasyong napili.
"Okay na ba sa'yo 'to? Or gusto mo pang rentahan natin iyong kabilang restaurant pa?" he asked with a hint of seriousness. Napatingin ako sa kanya upang siguraduhing seryoso ito sa sinasabi.
His serious face welcomed me. Walang biro tapos hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong bahid ng loko sa kanyang itsura.
"Are you serious? Ang laki laki na nitong napili mo! Parang ubos savings ko sa'yo, ah? Paano iyong bayad ko sa'yo, ha?" mahina kong reklamo. Iyong babaeng kinausap niya kanina ay mas ipinapakita sa amin ang kabuuang lugar.
Bukod kasi sa maberdeng nakapaligid, naroon din ang pagiging tahimik ng tubig. I can drown Jacob down there if he decided to rent this place for just a night.
Talagang magagawa ko iyon kapag pumayag siya rito tapos malaki ang babayaran ko.
"Excuse me po. Will you rent this place na po ba?" the woman asked. Medyo natagalan yata ang paghihintay niya sa magiging sagot namin.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
General FictionThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...