Chapter 19

81 2 0
                                    

My normal days are back. Balik ako sa pag-aaral ulit at ganoon din si Jacob. My cousins left our house for their studies. Tanging kaming dalawa lang ulit ni Mama roon ang naiwan.

Mahirap man para sa akin na kalimutan ang lahat, kinakailangan din namang umusad ng buhay. Hindi pwedeng doon ko papanatilihin ang sarili.

If I can't be the tough person that I want to be, then who will motivate me? Hindi naman siguro kinakailangan ng ibang tao para mas lalo akong umusad. Tanging ang sarili ko lang naman ang makakatulong sa akin at wala nang iba pa.

I parked my car at the parking lot. Sinadya akong hintayin ni Jacob sa pwesto ko kaya pagdating doon ay nakasandal ito sa pader. He immediately moved when he saw me. Napunta ito sa gawi ko bago ko tuluyang naisarado ang pinto.

"You're early. Wala pa ba kayong pasok?" tanong ko na kaagad sa kanya. He got my bag and then helped me carrying my books.

Iyong daanan namin papunta sa kanya-kanyang room ay nasa parehong direksyon lang. Magkaibang floor lang kami.

"Absent daw si Miss. Kaysa naman tumunganga ako roon sa loob ng room, hinintay na kita," tugon niya sa akin bago ako sinundan sa paglalakad.

I sniffed. Naaamoy ko iyong pabango niyang mukhang walang habas na inispray niya lang.

Hindi naman siya iyong tipo ng tao na mahilig sa pagpapabango. It's just strange for me to smell him like that. Masyado naman yata niyang dinamihan.

"Grabe ka naman kung makapagpabango. Ginawa mo bang panligo?" Inipit ko ang mga daliri sa ilong ko. He sniffed his cloth too to check what he smells like.

"Uy, hindi, ah. Nagpabango nga ako para sa'yo, eh," explain niya sa akin. Tila hindi man lang ito nabibigatan sa mga dalang nasa mga braso niya.

"Ganoon ba? Naks. Tindi ng galawan mo, ah? Mahal mo talaga ako 'no?" asar ko sa kanya na ikinahiya niya. Napangisi ako sa uri ng kilos na kanyang ginawa kaagad.

Namula ito ng bahagya at parang hindi alam kung ano na ba ang susunod na gawin.

Hindi ko nakita siyang ganito noon. Siguro kung mayroon man, patago lang kasi patago lang din naman niya akong ginusto. Ngayong alam na niyang alam kong gusto nga niya ako, parang wala na sa kanya ang hiya.

Years of liking me without letting me know was hard for him. Lagi kaming magkasama tapos ni minsan, hindi ko na-sense na may gusto na pala siya sa akin.

"Awit sa'yo. Kung pwede na nga lang kitang mahalin ng buong-buo, ginawa ko na." Natigil ako sa paglalakad. Mahina ang kanyang pagkakasabi niyon pero dinig na dinig ko.

He stopped too and then looked at me. Pinigilan kong mangiti dahil sobrang gwapo niyang tignan kapag lumalabas ang mga ganoong kataga sa kanya.

"Hmm. Dati mo naman na akong minahal ng buong-buo, ah? Bakit ngayon? Hindi na ba?" I teased him with that. Iniwas niya ang tingin sa akin saka bahagyang napakamot sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

"Hindi naman kasi ganoon ang ibig kong sabihin. What I mean is that, what if you're not fully healed yet from your break-up with Alonzo? Ayoko namang basta-basta na lang papasok sa buhay mo habang ikaw, hindi pa naghihilom."

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now