I did a break. Inanyayahan ako ni Mama na magbakasyon kahit dalawang araw lang sa probinsya namin. It is where my grandparents are living. Iyong magulang ng Mama ko ay doon nakatira.
Looks like Alonzo's been busy lately because last night, I didn't get a text from him. Hindi ko na tinawagan dahil maski ako, inantok nang kakahintay sa kanya.
Gusto ko nga sanang isama kaso napasok na sa isipan kong baka mas kinakailangan nga siya ng pamilya niya.
I packed my things and decided to drove my car. Kagabi pa nakapaghanda si Mama samantalang ako ay madalian lang ang ginawa. There's nothing much in our province aside from the green sceneries so I only brought a single back pack.
Iyong mga dinala ko lang ay ang mga kakailanganin ko talaga.
"Do you have something for your grandparents? Baka magtampo ang mga iyon sa'yo," tanong ni Mama sa akin na may halong biro sa tono.
Napapailing ako habang natatawa. There's no reason for me to not bring anything for them.
"Of course. Nandyan na iyong paborito nilang lanzones, saka iyong piaya. Matutuwa ang mga iyon panigurado," saad ko. We decided to stay there because my mom misses them so much.
Pumayag na lang ako upang kahit papaano naman ay makaiwas sa buhay sa syudad. Too dusty there. Sa probinsya, halos napapaligiran ng bukid tapos hindi pa maingay, ibang-iba sa buhay ko ngayon.
My grandparents took care of me when my mom worked abroad. Doon ako nag-aral ng elementarya ko at doon rin nakakita ng halos lahat na magandang asal.
I owe them. Hindi naman problema sa akin ang bisitahin sila kahit minsan. Ilang buwan na rin naman ang nakalipas matapos ang huling pagbisita ko roon.
Nang makarating na ay kaagad kong dinala iyong mga pasalubong sa kanila. My mom walked straightly as if wanting to surprise them. Hindi naman nila kasi talaga alam na bibisita kami ngayon.
When she opened the door, their surprised look greeted us first. Napangiti ako nang makita iyong iba kong pinsan na naroon sa kanilang sala, tahimik na nanonood ng isang movie.
"Hija! Napadalaw kayo?" tanong sa akin ni lola nang matapos yakapin si Mama. Nagmano ako rito bago hinalikan silang pareho ni lolo.
"Naisipan lang po. Namiss ko kayo, eh," sagot ko bago ibinigay sa kanila iyong dala ko.
My cousins also greeted me with a widing smile. Sa aming pamilya, halos lalaki ang mga apo ni lola. Kakaunti lang kaming mga babae tapos magkasing-edad pa kaming lahat.
Nilapitan ako ni lolo saka nangingiting hinaplos ang buhok ko. I smiled and then hugged him.
"Namiss niyo ba ako, lolo? Pasensya na po kung natagalan ang pagpunta ko rito," hingi ko ng pasensya rito. Simula naman kasi noong una, siya ang tila nagtayong bilang tatay ko. And I appreciated how they took care of me back then. Sila ang pangalawang magulang ko.
"Namiss ko ang mga dinadala mo sa akin. Alam na alam mo talaga ang paborito namin ng lola mo," saad pa niya.
"Wala po iyon. Hindi nga po namin pinaalam na pupunta kami rito kasi gusto naming masorpresa kayo."
Kumpara kay lola, medyo nanghihina na ito pero bakas pa rin sa katawan ang kaunting kasiglahan lalo na nang makita ako. They missed me. Madalang lang din naman kasi ako kung pumunta rito dahil sa pag-aaral.
I guided him to the table only to find them all already eating what I brought. Nakatipon silang lahat sa mesa, lalo na iyong mga pinsan kong lalaki na takam na takam sa lanzones.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
General FictionThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...