Katulad ng kanilang nasabi, nanatili sila sa bahay upang tulungan kami. My grandparents also stayed. Maski si Jacob ay halos araw-araw naririto at minsan ay dito na rin nakakatulog.
Pinili kong maging komportable dahil sa ayokong magmukhang malungkot na lang palagi. I'm trying to smile though I can still feel the bit of sadness inside me. Habang si Mama ay sinusubukang makalimot na rin sa lungkot.
I joined their small talks. Naupo ako sa upuang pahaba habang nasa harap nila ang tower ng iced tea. Wala akong sinabing bawal silang uminom dito pero dahil bilang respeto na rin, ginusto nilang iyon na muna ang pagsaluhan.
Nasa tabi ko si Jacob na mataman lang ding nakikinig sa kanilang mga usapan. Sam nodded at me when he saw me. Naroon sina Tita sa loob at sinamahan si Mama.
"Okay, sige. Since nandito na lang din naman si Phoebe, why not make a promise?" Bryan interrupted them. Dinig kong tungkol sa kanilang mga kursong kinukuha ang kanilang pinag-uusapan.
I noticed how Kaiser shook his head and punched him without force. Tunog corny sa kanila iyon.
"Promise ka dyan. Ulol! Iyong pinangako mo nga sa girlfriend mo dati, hindi mo natupad. Kaya mag-isa ka na ngayon!" Chance teased him. May halong katotohanan iyon.
"Gago. Past is past. Nakalimutan ko na iyon. Hilig mong bumalik sa nakaraan. Pakyu." And he raised his middle finger and laughed hard. Nakisabay ang ilang mga pinsan ko sa kanilang asaran na pinagkakatuwaan sila.
"Ewan ko sa'yo," he said and then silenced everyone first. "So guys, heto. We'll make a promise to each other. Tungkol sa maaabot natin sa huli o iyong mga pangarap natin ba. Kung sino ang hindi makatupad sa huli, manlilibre kapag naging professional na tayo!"
"Buraot! Hindi na nga natupad tapos magpapalibre ka pa? Takaw mo, ah?" untag ni Sam. Bryan smirked at him.
"Bakit? Alam mo na bang hindi ka magtatagumpay? Sus. Alam ko na baho mo sa mga guro mo, tsong!"
"Tss. Takaw mo. Bahala ka nga dyan!" Sam's lip is in a thin line now.
"Sige, akong mauuna. Sa huli, magiging isa akong matagumpay na chef! Tandaan niyo 'to! Magiging mayaman ako!" Bryan shouted and stood up.
"Laki ng ambisyon mo tol. Aabot ka ba dyan?" Kaiser laughed at him. Nakikitawa na rin ako sa kanilang mga pinagsasabi.
"Tsk. Mukhang 'to, pagdududahan mo? Magiging successful ako men!"
"Sige sige, ako naman. Mula ngayon, pinapangako kong magiging attorney ako! I will protect those people who has no power to fight for the justice that they deserve. Ako ang makikipaglaban para sa kanila," Kaiser said. Ramdam ko roon ang sinseridad.
"Well, I'll be a pilot in the future," Chance added.
"Driver amp. Pero ayos 'yan tol. Eroplano naman sinasakyan mo," hirit pa ni Bryan na natatawa. Inismiran siya ni Chance.
"I can be the most successful businessman," Sam said.
"Me? Marine engineer," Jha answered with full of sureness in his voice.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
General FictionThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...