Chapter 10

102 4 0
                                    

Pagkadating sa bahay ay naroon na nga ito, masayang nakikipag-usap kay lolo't lola. My mother arched her brows as if reminding me about his presence in here.

Nang sandaling napadako ang tingin ko sa kanya ay matatalim ang mga iyon. He smirked and then my cousins jumped on him happily. Hindi na nito ako nagawang malapitan pa dahil sa sinunggaban siya kaagad ng mga pinsan ko.

"Hindi mo naman sinabing pupunta pala ito rito?" usisa sa akin ni lola, ang mga mata ay nasa kanya na.

"Biglaan nga rin po. Naimbita ng magagaling kong pinsan," sagot ko rito saka siya napatayo. I advised her to go upstairs and just let herself rest.

Paniguradong magiging maingay na ang mga ito mamaya. They really like making some noise. Mambubulabog sila hangga't kaya.

Napaupo ako saka sila tinitigan. My eyes suddenly roamed around and then I found what he brought.

Mamahaling alak tapos marami pa iyon. He also got some foods which I think they will eat later. Puro chips ang mga iyon.

"Ayos 'yan pre! Dami nito, ah?" saad ni Sam habang tinitignan isa-isa iyong mga alak. My other cousins also got interested so their eyes went on it.

Nagniningning ang kanilang mga mata. Parang isang grasya kung ito ay ituring nila.

"Oy gago, daming pulutan! Ayos na ayos ka sa akin brad!" Chance uttered. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto nilang maging kainuman si Jacob.

"Walangya! Magsitigil nga kayo sa pagpapantasya riyan. Kakarating lang nung tao," itinabi ni Kaiser iyong mga alak. Jacob's eyes were on me.

Dapat ko bang ipagpasalamat na narito siya o dapat akong matuwa? Gusto ko na itong batukan tuloy.

Lumapit ito sa gawi ko saka naupo sa tabi. Hindi pa rin nawawala sa akin ang kaunting inis.

"Hindi ka na-text ni Alonzo, ano? Ang asim ng mukha mo," that may be one of the reason. Mas lamang lang ang inis dahil ako na naman ang mahihirapan dito mamaya.

"Hindi. Alam mo namang ang hirap mong malasing tapos nagpadala ka naman sa sulsol ng mga pinsan ko? Baka pagtripan ka lang ng mga iyan!" mahina kong singhal sa kanya. He laughed and then shook his head.

Umiinom naman ito pero minsan, kapag nasosobrahan ay kung ano-ano na ang pinaggagawa.

"Kaya ko naman ang sarili ko. I can handle myself so stop worrying, my dear friend. Nakita mo na bang napahiya na ako ng mga pinsan mo?" I made a face. Ibinaling ko ang tingin sa mga pinsan kong tila uhaw sa alak.

I sighed deeply as if I can push him and let him out of here. Malayo pa ang kanyang ibinyahe at nakakabastos naman kung pauuwiin ko lang.

Part of me wanted to push him away but my conscience says not. Na huwag akong masyadong mainis nang dahil lang dito. If it is not because of his class for tomorrow, I won't be worried like this.

"Siguraduhin niyo lang talaga na hindi kayo gagawa ng kahit na anong ingay mamaya. Kapag nalaman kong nagkalat kayo rito, sinasabi ko sa'yo Jacob, hindi ka na makakatapak pa ulit dito," panakot ko sa kanya. Seryoso kong sinabi iyon sa kanyang mukha.

He raised his hand as if like he's promising. Pinandilatan ko siya ng mga mata bago ko tinawag ang mga pinsan.

"Dalhin niyo na 'yan doon sa taas. At huwag na huwag kayong gagawa ng ingay mamaya." I warned them.

"Cous naman. Masyado kang istrikta. Under mo pala si Jacob? Parang tuta na sumunod bigla, oh," nginuso ni Jhared si Jacob sa tabi ko.

"Kayo rin, kaya kong paamuhin. Ano? Simula na ba ng inuman session niyo?"

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now