Chapter 11

76 3 0
                                    

2:35 AM

From: Jake

Good morning. Sana masarap naging tulog mo sseb.

Nagising ako dahil sa naging tunog mula sa phone. Muntik ko nang maibato iyon nang mabasa kung kanino galing ang mensahe.

Why the hell he'll text me this time? Ganitong oras pa niya talaga naisipang itext ako?

Madaling araw at hindi pa man sumisikat ang araw ay tila uminit kaagad ang ulo ko. Masarap na sana ang naging tulog ko kung hindi ako naistorbo ng text na 'yon.

"Bwisit ka talagang Jacob ka," inis kong bulong saka napatayo. Mula sa kwarto ay may kaunti akong naririnig na ingay sa kanilang gawi.

Mag a-alas tres na ng umaga ngunit hindi pa rin sila natatapos. I quickly went outside of the room and went to their place.

Naabutan kong nagtatawanan sina Chance, Kaiser at Bryan habang sina Jha at Sam naman ay tumatagay. Jacob's not on his good state. Papikit-pikit ang kanyang mata habang hawak ang phone.

I rolled my eyes and then made them stop what they're doing. Naalarma sila kaagad ngunit wala na sa matinong kilos.

"Cous naman. Kill joy mo," sabat ni Chance habang napapahilamos pa sa mukha. Hindi ko binigyang pansin iyon at nilapitan si Jacob na napatingin na sa akin.

I can smell the liquor from him. Hindi katulad nilang lima, tahimik itong nakaupo at tingin ko ay dahil sa kalasingan kaya niya ako nai-text ng ganon.

I ordered him to stand up so that he can finally take some rest. Sinenyasan ko rin si Jha na itigil na ang inuman dahil baka abutin pa sila ng sinag ng araw dito.

"Ayusin niyo 'yan. Hatid ko lang 'to sa kwarto niya," saad ko saka sapilitang pinatayo si Jacob.

"Kwarto raw? Anong gagawin niyo? Hmm," inirapan ko saka mahinang tinadyakan sa paa si Kaiser. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras saka inalis na roon sa pwesto si Jacob.

Ayokong pagalitan ni tita. Ayokong sisihin nang dahil lang sa anak niyang walang plano kung makapunta rito. Kasi naman, naimpluwensyahan lang siya ng mga pinsan kong walang magawa sa buhay.

Nakaayos na ang kanyang kwartong gagamitin kung kaya't pagdating doon ay pabagsak ko siyang pinahiga sa kama. Napahingal ako dahil sa bigat na taglay niya.

"Hubarin mo damit mo. Huwag kang aalis dyan. Kukuha akong bimpo," sabi ko bago dumiretso ng banyo at doon kumuha ng bimpong basa. He followed what I said to him.

Hinubad nga niya ang damit at nang makabalik ako ay nakaupo na ito. Namumungay ang mga mata at namumula ang mukha. I once saw him being drunk and I'll be honest. Mas gumugwapo siya kapag nasa ganitong kalagayan. Iyon nga lang, nakakagawa ng kahit anong bagay na hindi naman niya sinasadya.

Naalala ko pa dati na aksidente niyang nasukahan iyong nagtangkang manligaw sa akin. Siguro dahil sa sobrang kalasingan o gawa-gawa niya lang. But that saved me. After what he did, I knew that that person cannot be trusted.

Sinimulan kong punasan ang kanyang braso. Of course, I also wiped his other parts of the body.

Wala namang ilangan sa aming dalawa dahil maski ako ay sanay na sa kanya. Sa lahat yata ng gwapo at mukhang matipuno ang katawan sa panlabas na anyo siya iyong walang abs.

He's working out but I don't know why he has no abs. Hindi ko nga alam kung anong klaseng work out ba ang kanyang ginagawa.

"Sseb, thanks. Bawi ako sa'yo susunod," his voice is hoarse. Napaangat ang mga mata ko sa kanya pero mukhang patulog na ito.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now