Nagtinginan ang mga pinsan ko. Natahimik din pati sina lola na mukhang inaabangan kung ano at sino ba ang sasagot.
I can sense the awkwardness. Maski sila ay mukhang naiilangan din dahil talagang nakuha pa nitong pumunta rito para sa ganoong usapan.
"Usap? O-oo naman. You're always welcome here, Alonzo," sabat ni Bryan nang makabawi na.
Honestly, I can feel the tense inside me. Talagang gusto kong umalis na lang at hindi bumalik rito pero hindi ko magawa.
I want to leave. Pero magmumukhang ako ang hindi naka move on sa aming dalawa. Hindi naman importante sa akin ang bagay na iyon pero parang ganoon ang nagiging interpretasyon ko sakaling gawin ko man.
Nanatili ang tingin niya sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko. My cousins also waited for my answer.
Sa huli ay tumango ako. Parang nabunutan silang lahat ng tinik nang marinig iyon mula sa akin.
"We'll just go upstairs. We'll leave you two for a moment," saad ni Kaiser saka inakay sina lola papuntang itaas.
Hindi ko tuloy alam ang gagawin nang sandaling dalawa na lang kami ang natira. The atmosphere suddenly went cold. Malamig ang pakiramdam ko pero iyong pawis ay namuo sa noo ko.
My fingers are shaking a bit. Hindi ko matanto kung maayos pa ba ang kilos na ginagawa ko o pansin niyang masyado na akong naiilang sa kanya.
"You c-can sit. Uh..." hindi ko natuloy ang sinabi. I gulped hard and then drank some water to calm myself.
Sinunod niya ang sinabi ko at naupo nga ito sa harap ko. He's looking at me while I'm still forcing myself to just move normally. Mukha akong tanga.
"Kumusta?" pambungad niya. I bit my lip to feel okay. Ni-relax ko sandali ang pakiramdam bago tuwid na naupo.
"I'm okay. I'm definitely okay." I'm being redundant in here. Pinilit ko ang sariling makatingin sa kanya ng diretso. His eyes are now fixed on me. Na parang isang malaking himala na nagkita kami ngayon.
Sa ilang taon, hindi kami nagkaroon ng kahit na anong komunikasyon. I don't even search his name on social media because I don't want to see anything from him.
Hindi naman sa bitter ako. I just don't like seeing some pictures of him abroad, the reason why he left me. Bukod roon ang pag-aaral niya.
Madali lang naman natapos ang lahat sa amin. In just few sentences and some talk, he hurriedly left me. Doon na natapos ang lahat sa amin.
"I heard about you and Jacob. I'm happy for you two." That means he's stalking Jacob or me. Hindi big deal sa akin iyon kasi pareho naman kaming may mga social media. And Jacob's posting a lot of photos of us. Hindi na ako magtataka.
"Thanks." Iyon ang tanging naisagot ko. "Kumusta ka naman? You stayed for so long in abroad. How's life there?"
Humugot siya ng malalim na hininga. Mula nang makaupo kaming dalawa ay hindi na niya sinubukan pang alisin sa akin ang tingin.
It's like he wants to touch me but there's something that's forbidding him. Gusto ko na lang din na sana ay makaalis na siya rito kasi hindi ko kinakayang dalawa lang kami sa iisang lugar.
"Mahirap noong una pero nang nasanay na ako, by God's guide, at least, I survived." Pansin ko ang kaunting paghaba ng kanyang buhok. I've never seen him having that long hair before. Pero nababagay sa kanya ito ngayon.
I looked at under his eyes. May kaunting kaitiman iyon pero hindi nahahalata kapag natitignan mo sa malayo. Siguro ay dahil iyon sa pagpupuyat niya at mukhang pinursigi talaga ang sarili para sa pangarap.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
General FictionThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...