The big day came. Dahil sa hindi ko ma-contact si Jacob, ako na mismo ang pumunta sa bahay nila.
I already reminded him! Kahapon ko pa siya sinabihan at paulit-ulit na pinaalalahan pero ngayon, mukhang nakalimutan na niya.
Nag-commute lang ako papuntang subdivision nila. Wala akong balak na dalhin ang sasakyan dahil mayroon naman si Jacob, doon na lang ako sasakay sa kanya.
When I finally arrived, his mother greeted me. Hindi na ako masyadong nakipag-usap sa kanya dahil iisa lang naman talaga ang pakay ko.
"He's in his room. Kanina ko pa nga ginigising, ayaw namang gumising. Wala ba kayong pasok ngayon?" she asked me. Pansin kasi niyang hindi ako nakasuot ng uniporme.
Maghahapon na at iyong oras ay tumatakbo. Ilang beses na akong nakapagsinungaling kay Alonzo para lang masorpresa siya.
"Wala naman po, tita. Uh, pwede ko po ba siyang gisingin? May pupuntahan kasi kami ngayon," saad ko pa. She nodded her head and with that, I went to his room.
Totoo nga ang sabi ni tita dahil tulog mantika ito. Nakahiga ng pabaliktad tapos walang suot na pang-itaas.
He's only wearing some boxers and he's even snoring!
Mahina kong tinapik ang kanyang balikat upang magising ito. Talagang pinapunta pa ako rito?
I tapped him once more but he just keeps on moving and fixing his position. Mahina akong napamura.
"Jake! Gising!" mahina kong utos na para bang mapapasunod ko ito.
Hindi ko alam kung nagtutulog-tulogan lang ito o ano.
"Hoy! Gising na nga! Kanina pa ako rito, ah?" reklamo ko pa bago niyugyog ng malakas ang kanyang katawan.
He woke up by that. Kinusot pa nito ang mga mata bago ako natignan ng maayos.
His eyes widened and covered himself by the comforter. Napairap ako nang mapansin ang ganoong kilos niya.
As if I can see his naked body? Hindi naman ito nakahubad at mas lalong wala naman dapat siyang itago sa akin.
"Manyak mo, Phoebe! Sinong nagpapasok sa'yo rito?"
"Si tita. Bilisan mo na nga dyan. Maghahapon na tapos tulog ka."
"Inantok ako, eh. Nandoon na ba si Alonzo?"
Napairap ako ulit. Imbes na dapat ay nag-aayos na siya, nakuha pang makipag-usap sa akin. Masyadong humahaba ang oras.
"Wala pa. Magbihis ka na nga. Hintayin kita sa labas. Bilisan mo," utos ko pa sa kanya bago lumabas na.
Sa baba ay naroon pa rin si tita, mukhang hinihintay din akong makalabas. She prepared something which I think for me.
Nakasilid na iyon sa isang food container at mukhang alam niyang may pupuntahan nga kami ni Jacob.
"Hmm. Special occasion?" napatango ako nang magkatapat na kami.
"Monthsary po, tita."
"And Jacob's there to celebrate with you?" she asked me.
"Well, sort of."
Ibinigay niya sa akin iyong hawak. It's a dessert for sure. Hindi ko naman maikakailang masarap siyang magluto. I mean, she's always making something for me whenever I am here.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
General FictionThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...