I was wearing my shirt when Jacob suddenly appeared inside the room. Katatapos lang nitong kumain at mukhang maliligo na rin.
He eyed me from head to foot, checking what I am wearing. Nakasunod din ang galaw ng mga mata ko sa kanya.
"This is not revealing at all, Jake. Pupunta lang naman ako kina lola," sagot ko sa nagtatanong niyang ekspresyon. Nakasabit sa kanyang balikat ang tuwalya.
"I'm just checking you. Baka kasi hindi mo ako papansinin. Kaninang paggising, hindi mo man lang ako hinayaang makahalik sa'yo," reklamo niya.
It's true. Maaga kasi akong nagising tapos siya ay himbing na himbing pa ang tulog kanina. He woke up late so he didn't got a chance to do his thing every morning.
Hindi rin naman ako nagtampo kasi akala niya, wala ako sa mood nang dahil lang sa singsing na ipinakita niya sa akin.
"Masyado kang OA. Nauna lang akong magising sa'yo." Isinuot ko na rin ang pantalon saka inayusan ang sarili.
Nasanay na kami na ganito. Wala nang ilangan at hindi na rin nagkakahiyaan pa. For what? We've seen each other being naked so there's no need to hide it all.
"Oo nga tapos hindi mo man lang ako ginising." Napapailing ito saka nilapitan ako. Inagaw niya sa akin ang suklay saka siya ang nagsuklay ng buhok ko.
I let him do that. Marahan ang kanyang nagiging galaw habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
"If that's about the ring, then I can buy something for you right away. Huwag ka nang magtampo, please?" He pouted and I rolled my eyes.
Kagabi ay ilang ulit ko nang sinabi sa kanya na balewala na iyon sa akin. Na hindi naman ako humihiling na bigyan nga niya ako kasi sa aming dalawa, ako iyong masyadong nagmamadali.
I just wished his friend a best wishes. Tapos ngayon ay inuungkat na naman niya ang ganoon.
"Tigilan mo nga ako. Hindi ako nagtatampo dahil sa singsing. I'm not mad and not wishing for something," I replied. Tinigil niya ang ginagawa saka niyakap ako mula sa likuran.
He sniffed my neck and stole a kiss from me. He kissed my cheek and then tightened his hug.
"I love you. Sigurado ka bang hindi ka magpapahatid sa akin?" And yes, he's been asking me that for nth time already! Paulit-ulit lang din ang nagiging sagot ko sa kanya tapos parang hindi pa nakukuntento.
"Isang tanong mo pa talaga sa akin, talagang tatadyakan kita, Jacob. Hindi nga sabi, eh."
"You sure? I'm just asking you. Baka kasi nagbago isip mo tapos gusto mo pala akong isama."
Inilapag ko ang suklay saka kumawala sa kanya. He's smirking and loves looking at my reaction. Umalis ako sa harapan niya saka kinuha iyong susi ng kotse saka ang bag.
He followed me. Nakabuntot ito sa likod ko at nakisabay sa nagiging lakad.
"Sigurado ka na ba, sseb? Final decision na 'yan, ah? Maliligo na ako," he said while still following me.
"Oo nga. Kulit mo rin, eh."
"Sure na? I'll take a bath na, ha?"
"Oo nga sabi, eh—"
"Ligo na ako, ah?"
Napahinga ako ng malalim saka hinarap siya.
"Tangina, Jake. Oo nga sabi, eh! Kulit mo naman!" singhal ko sa kanya pero bago ko pa masapak, tumakbo na ito papuntang banyo na natatawa.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
General FictionThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...