Just like our usual days, we went back to work the next day. Nagising na lang kaming pareho na mataas na ang sikat ng araw at mahimbing na mahimbing ang kanyang tulog sa tabi ko.
I needed to wake him up so that he'll start his work but he didn't moved. Naroon na naman siya sa pagiging clingy at walang balak na pakawalan ako.
Kapag mga ganitong pagkakataon ay ang hirap niyang itulak para sa mga importanteng bagay. He loves cuddling though there are still lots of works to do. Kaya ako na rin ang kumilos para sa aming dalawa.
Mabilis na pagligo lang ang ginawa ko bago nagbihis ng maayos. Good thing because he finally woke up and then he did his thing every morning which is giving me a quick kiss.
"Dito lang ako sa bahay. I'll cook the foods for you later." I'm wearing my formal attire when he said that. Kusang umangat ang tingin ko sa kanya.
Nasa balikat niya iyong tuwalya, nakasabit at ipinaalala sa akin iyon. So far ay mukhang maayos naman ang naging tulog niya.
"You sure? I have meetings later. Hindi ko sure kung makakauwi ba ako ng maaga mamaya," sambit ko.
And yes, there are some important matters I will attend to. Dagdagan pa iyong gusto kong mag-aral para sa pagiging piloto. I have enough savings for that but my current work is still adjusting with me.
Pagkatapos niyon ay magtatrabaho ako sa cruise. Mahirap para sa akin pero kakayanin ko. Iyon ang naging pangako ko kay Papa, eh. Hindi pwedeng hindi ko tuparin.
"Ihahatid ko sa'yo. I'll call you. Ihahatid na rin kita pagkatapos kong maligo." I nodded before he went inside the bathroom.
Ako na rin ang nagluto ng kakainin. Hindi naman siya nagsinungaling sa akin tungkol sa laman ng ref. Medyo puno pa iyon at mukhang kaunti lang ang kanyang naibawas.
For our breakfast, I prepared some coffee and then some eggs. Kung siya ang nagluluto minsan ng agahan ay marami ang nakahain sa mesa. May mga hotdogs saka bacons pero siya lang din naman ang umuubos kasi kaunti lang ako kung kumain.
He's a husband material. Sabay naman kami palagi sa trabaho pero tuwing gugustuhin niyang dito sa loob lang ng bahay, hindi niya nakakaligtaang ihatid ako. He's thoughtful and likes doing that to me.
Ako na nga ang pumipilit sa kanya na ako ang magmaneho ng sasakyan pero ayaw niya. Kahit alam kong napapagod din siya, ginagawa niya ang gusto para sa akin.
I have the best life with him for 4 years. Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito at kung papalarin, sana ay tumagal pa. I am hoping for that.
Sabay kaming kumain ng almusal at madalian lang iyon. He just finished sipping his coffee when I finally finished my food.
Nakasuot lang siya ng pambahay bago kinuha iyong susi ng kotse. He carried my handbag and even opened the door for me. Napangisi ako sa kilos niyang iyon.
"Be sure to not stress your day, okay? Sigurado ka bang busog ka talaga sa kinain mo?" usisa niya sa akin. He started the engine and then drove the car.
"Oo naman. I won't go to work if I am not full."
"Good. Anong gusto mong lutuin ko mamaya? Or do you want some burgers or anything?"
"Hmm. Gulay na lang muna. Iyong healthy naman ang kakainin ko," saad ko rito. Tumango lang siya saka hinablot ng marahan ang kamay kong nakapatong sa hita.
Nagiging routine na niya yata iyon tuwing nagmamaneho. He'll just grab my hand and then hold it while he's driving. Sa ganoong paraan siya nagiging komportable kasi masarap daw sa pakiramdam.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
Tiểu Thuyết ChungThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...