Our so called date went good. Masyado nga lang naming sinulit ang oras dahil nagtagal pa kami. He ordered some burgers for me. Kahit na ako naman ang magbaabyad ay talagang isiningit pa nito iyong paborito kong pagkain.
My stomach's full already. Nabusog na ako doon sa mga nakain ko. But he insisted that I should at least eat that. Biglaan ba naman kasing umorder.
"You'll eat the other half. Busog na ako," saad ko sa kanya. Parang walang kapaguran ito kung kumain. Baka tumaba na nga ako sa kakakain ng burger.
Kinagatan ko iyong burger hanggang sa maging kalahati na. I gave it to him and then he started eating it.
Wala siyang choice kundi ang kainin iyon. Aba, ako ang magbabayad kaya dapat ay walang masayang.
My father taught me back then that I should not waste anything especially food. Kasi iyong iba raw ay walang makain tapos kaming may kaunting kaya na bilhin ang lahat, magsasayang? I'm lucky because I can eat three times a day. Paano naman iyong hindi nakakaranas ng ganoon sa isang araw? Nakakagutom.
Pagdating naman sa ibang tao, malambot iyong puso ko. I know that it is hard for them to have that life. Hindi naman kasi nila hiniling na ganoon ang buhay na dapat maranasan.
The only problem with people nowadays is that they're not doing something to develop their way of life. Hindi naman sa parang sinisisi ko pa sila. Kung gusto ng isang tao na umasenso, dapat na magsumikap siya, dapat na maghanap ng trabaho para makaahon sa kahirapan.
It doesn't matter if you are slowly progressing. Ang importante ay umuusad ka sa buhay. Wala namang problema kung ganoon.
"Saan tayo after nito? May isang buong araw pa tayo," he asked me while finishing what he's eating.
Ang plano ko lang naman talaga ay itong date na 'to. Wala namang problema sa akin kung saan kami pupunta ngayon. As long as I am with him, ayos na iyon sa akin.
"Depende. Saan mo ba gusto?" I called the waiter for our bill. Kinuha ko ang wallet pero mabilisan namang nakaalis iyong waiter habang may cash nang nakaipit sa kanyang kamay.
Hindi pa naman ako nakakapagbayad.
I looked at Jacob who's now wiping his lip. Uminom ito ng tubig saka napadako naman ang mga mata sa akin.
I sighed deeply. Umakto akong naghihingi sa kanya.
Ako ang taya ngayon. Ako ang nag-aya sa kanya rito kaya bakit siya ang magbabayad? It's unfair. Kaya nga ako ang nag-aya para hindi siya pagbayarin tapos ang ending, siya naman ang nagbayad?
Inilapag niya ang baso saka maroon ang pagkukwestyon sa kanyang mukha.
"Bakit? Wala naman akong utang sa'yo, ah?" I rolled my eyes. Nasa kanya iyong belt bag niya kaya mabilis kong binuksan iyon, handa nang ilagay sana ang pera pero naisarado naman niya kaagad.
I glared at him.
"Akin na nga. Ako ang magbabayad kaya sa'yo na 'tong pera ko," saad ko rito pero umiling lang ito.
Inikot niya sa likod iyong kanyang belt bag nang sa gayon ay hindi na ako makakuha ng tyansa pang buksan iyon ulit.
"Nope. Hindi ko tatanggapin 'yan. Kahit naman isang milyon ang halaga ng kinain natin dito, hindi ko matatanggap 'yan." He smirked and then drank his water again.
Alam kong mayaman ito pero sana naman, hayaan niya akong magbayad. Maliit na halaga lang ito para sa kanya pero dagdag din 'to sa savings niya.
"Yabang mo. Deposit ko na lang sa bank account mo 'to. Bahala ka dyan." Ibinalik ko ang pera sa wallet. I heard him laughing at that after.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
General FictionThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...