Our day went well. Nanatili lang kami ng ilang oras doon sa resort na iyon bago naisipang gamitin ang natitirang oras para sa roadtrip. Jacob ruined some of the moment.
Iyong biro niya ay hindi ko napaniwalaan kaya nagpasya akong tawagan ang mga pinsan ko upang tanungin kung may nasabi ba sa kanila si Jacob. Of course, they asked me where we are. Hindi ko naman kasing sinabi sa kanilang pumunta kaming Antique.
"See? Ayaw mo talagang maniwala," kontra niya sa akin. Nasa sasakyan na kaming dalawa at mula sa kinauupuan ko ay natatanaw ko ang dagat. There are some resorts in some places here.
"Just checking. Baka mamaya, sabihin mong may nangyari sa atin kahit wala naman." Pasalamat siya at mariing naitanggi kaagad ng mga pinsan ko iyong naging tanong ko. Buti na lang dahil hindi nila ako inusisa pa at nakuntento na sa pagsabi kong nasa Antique kami.
Napatawa siya ng dahil doon. Hawak ng isa niyang kamay ang kamay ko habang iyong isa ay nagmamaneho. Ewan. I just find it comfortable for him now.
"Grabe imagination mo, sseb. Hindi ko alam kung dahil lang ba 'yan sa dalawa lang tayo ang nandito? Baka hindi mo namamalayan, magkatotoo iyan. Sige ka."
I'm not a child anymore. Hindi bago sa akin ang mga ganoong terminolohiya at mas aware ako sa kung anong pwedeng mangyari. I know the consequences. Tumatanda na kaming pareho at minsan sa buhay, papasok talaga sa isipan mo ang mga bagay na gugustuhin mong mangyari.
We will not be here if I don't trust him that much. I know Jacob that much. Hindi naman siya iyong klase ng lalaki na nangunguna ng kilos kapag hindi niya nagustuhan. Kilala ko siya bilang isang lalaking may mga plano sa buhay.
Hindi naman tatagal ang pagkakaibigan namin kung hindi ganoon ang tingin ko sa kanya.
"Ayaw mo ba? Akala ko ba, gusto mong magkaroon ng pamilya sa akin?" Sinabayan ko iyon ng kaunting tawa upang magmukhang nagbibiro lang ako. I can still remember what he promised in front of my cousins. Hindi ko naman iyong makakalimutan.
"Oo naman pero kasi, minsan naiilang ako sa'yo. Hindi ko alam kung paano kumilos tapos parang anytime, aasarin mo ako," he said with his serious tone. I bit my lip because I can feel that he's really feeling awkward.
Nagkahalikan na kami tapos ganito pa ang nararamdaman? Oh Lord. Bless this man beside me.
"Pwede mo namang gawin ang gusto mo ng hindi naiilang sa akin. Hindi ka na nga nahiyang pumasok sa buhay ko, eh," tugon ko sa kanya. He chuckled and then I know that he felt flattered by that. Grabe kung gugustuhin mong magmukhang hindi siya maiilang. Kailangan mong banatan ng kahit na ano.
"Then we'll make a deal. Kailan mo ba gustong magkaanak?" Saglit akong napaisip. Mayroon naman na akong naiisip na saktong edad para sa akin basta't sa edad na iyon ay kailangan, may trabaho na ako. That way, it won't be too hard for me to raise my child. Hindi naman pwedeng iasa ko na lang iyon kay Mama.
"Hmm. Maybe 27. Iyon. Okay na sa akin sa ganoong edad," tugon ko sa kanya.
"Five years from now, huh? Okay. Then let's have our own family at that age."
"Are you sure that we'll end up together? Baka mamaya niyan, iwan mo na ako?" subok ko sa kanya. Honestly, I don't want to end up with someone anymore. Nasa tamang tao na ako. Iyong mas kilala ko at alam ko ang takbo ng buhay.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
Ficción GeneralThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...