Chapter 7

86 3 0
                                    

He really did what he said. Umaga pa lang ay sinundo na nito ako sa bahay pero hindi katulad ng dati, medyo nababahiran ng kaunting pagmamadali ang kanyang kilos.

I don't want to ask him the reason because I already know it. Hindi rin naman ako magagalit at mas lalong hindi ako magtatampo.

"Thanks for today. Aral mabuti," I said to him as I went out of his car. Napabuntong hininga ito at ngayo'y ginawaran ako ng halik.

I am not actually expecting that from him. Pero ngumiti na lang ako upang masigurado na wala akong kahit anong sama ng loob.

"You too. Have a good day, love," napatango na lang ako saka marahang tinapik ito. I watched his car getting out of my sight before I finally went in the campus.

Sa totoo lang, pakiramdam ko ay parang pinangungunahan na iyong sarili niya ng pangarap ng kanyang magulang sa kanya. I know that they are family of doctors, but it seems like there's a pressure on it.

Ano nga rin ba ang laban ko kay Alonzo kung alam kong pangarap niya ring sumunod sa yapak ng kanyang magulang? Hindi ko naman siya pwedeng diktahan at mas lalong hindi ko pwedeng alisin sa sarili niya ang pangarap niyang iyon.

Nag-iisa siyang anak kaya sa kanya inaasahan ang posibilidad na magmamana ng lahat. In that case, I don't think we'll be that long.

Wala akong laban sa isang taong mas uunahin ang mga pangarap kaysa kagustuhan. I am not his priority so why would I whine? Bakit ako magrereklamo kung alam ko sa sariling pang-ilan lang ako sa buhay niya?

Kahit ako, mas priority rin ang mga pangarap. Pangatlo lang siya sa buhay ko. He is that living want that I have. Kagustuhan ko lang siya.

The first time we've met, I know that he is that kind of man who has a big dream. Sa katayuan hanggang sa kung paano ito manamit, alam ko na na isang di-hamak na tao ang ginusto ko.

Well, that's just the first round of knowing him. Hanggang sa naging magkalapit kami, doon ko mas nakilala ang totoong siya.

He loves children. Naalala ko pa dati na nag-celebrate siya ng birthday sa isang orphanage. He chose to share the blessings that he has instead of owning it all alone.

Minsan, sinasamahan ang kanyang parents sa medical mission at pinapaintindi sa akin ang ilang hindi ko maintindihan sa larangan ng pagdodoktor. He's totally the opposite of me.

Kaibahan sa kanya, hindi ako mahilig sa bata. I can't even see myself holding a baby in the future, pero gusto kong magkapamilya. Wala lang talaga siguro akong malalim na relasyon sa mga bata kaya medyo wala akong interes.

It's always him who is always liking that.

We ended the class with my mind being preoccupied. Hindi ko na namalayan ang pagtatapos ng klase kung hindi pa nagsitayuan ang iba kong kaklase.

Outside the room, I saw Jacob already waiting for me. Kumaway pa ito na parang isang batang sabik na sabik makita ang kanyang kalaro.

I shook my head and began laughing. Nang mapansing hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ay siya na ang pumasok, hindi na nagawang magpaalam sa gurong nasa harap ko pa.

"Tagal, ah? Pinapasok mo pa talaga ako," he said. I actually don't like having him here inside the room. Hindi lang ako komportable at mas lalong hindi ako nakakapagkausap sa kanya ng pangmatagalan.

"Reklamo ka? Papalabas na sana ako kung hindi ka pumasok," saad ko pa bago niligpit ang gamit.

Prenteng nakaupo na ito ngayon sa katabi kong upuan. Parang walang ganang tumayo na.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now