Chapter 33

106 3 0
                                    

He stayed at my office and we both ate the lunch together. I informed him that Jhared just arrived earlier. Sabi niya ay hindi man lang daw ito nagpasabi.

Kahit na ganito ang senaryo minsan sa amin ay hindi nakakasawa. We can do this forever. Basta't siya iyong kasama ko, walang bagay na nakakasawa.

"Thank you for this. Wala man lang akong naibigay sa'yo ngayon." Hindi ko mapigilang mapasabi ng ganoon.

Walang espesyal na okasyon naman sa ngayon. We only give each other some gifts every special occasions like our anniversary. Sa kanya yata ay walang exception.

"It doesn't matter. Naging kumpleto na buhay ko noong naging tayo na. So why bother giving me a gift? Mayaman ako, 'di ba?" biro niya sa akin.

Lagi namang ganoon ang kanyang nagiging sagot. Syempre, kahit minsang nakakapagbigay ako ng regalo sa kanya, iisipin niyang gumastos na naman ako.

It's like my way of making him happy. Minsan na nga lang ako gumawa ng ganoon ay nakukuha niya pang punain.

"Alam mo, you're just being yourself again. Bawal ka bang bigyan kita ng regalo?"

He stopped eating for a while. Nakabukas iyong laptop niya at paminsang iginagawi ang tingin doon. Wala naman siyang nagiging meeting pero tingin ko ay masyadong importante ang kanyang ginagawa.

"Hindi naman. Kapag nag-break tayo, doon mo lang ako bigyan ng regalo." Nangunot ang noo ko.

"What? Why?"

"Kasi mawala ka lang sa buhay ko, parang nawala na rin iyong pinakamagandang regalong natanggap ko. So that's the time where you will give me a gift. Obligado ka na kapag nangyari iyon," sagot niya na ikinasimangot ko.

Ewan ko ba rito kung bakit ganito ang kanyang mga naiisip. Gusto yata nitong maghiwalay na kami, eh.

"So you want me to break up with you? Maghihiwalay na ba tayo?"

"It's up to you. Pero suggestion lang, ah? Kung pwede ay huwag kasi ayokong mabigyan ng regalo. Okay?" natawa ako. Goodness. Ang tapang magsuhestyon ng ganoong bagay tapos duwag naman pala kapag ako na ang nagsalita.

"Hindi naman kita hihiwalayan. I'm just testing you. Pero kung gusto—"

"Hindi nga. Stop imagining some things like that. Magpapakasal pa tayo."

I narrowed my eyes. Balak nga niya akong pakasalan pero wala namang singsing na inilalabas.

He has lots of plans but the wedding is too expensive for him to think about. Laging nagsasabing magpapakasal pero apat na taon na, wala pa naman.

Hindi naman sa demanding ako. Handa naman ako kung tatanungin na niya. Nahihiya rin naman ako minsang magtanong sa kanya kasi parang ang dating niyon para sa akin, pini-pressure ko siya kahit hindi naman.

"Kailan ba ang kasal?" Itinuloy ko ang kain. Nakisabay na rin siya saka nagulantang lang ng kaunti sa itinanong ko.

"Hindi ko nga rin alam. Pero baka malay mo, baka paggising mo isang araw, may singsing nang nakalagay dyan sa daliri mo."

"Talaga?"

"Syempre joke lang. Hindi naman ako magpo-propose sa'yo na tulog ka. I want to slid the ring on your finger while you're awake." Hinampas ko siya. Ang seryoso ng usapan tapos hahaluan ng ganoon.

"Gusto kitang murahin, alam mo ba iyon?"

"Uy, huwag. Mahalin mo na lang ako." He smirked and then stood up for a kiss but I avoided my face.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now