Chapter 26

80 4 0
                                    

Hindi naging matagal ang naging byahe namin. We arrived somewhere. Ang ini-expect ko ay dadalhin niya ako sa tabing dagat pero hindi naman iyon nangyari.

It's dark and I can only see some lights far from our distance. He parked his car carefully. Wala ring masyadong taong narito. Tanging kaming dalawa lang yata.

He opened the door for me and held my hand. Napangisi ako dahil nanginig pa iyong kamay niya habang nakahawak sa akin. Hindi niya nakita ang pagngisi ko at nanatiling hindi pa rin ito nakatingin sa akin.

This man is really hideous. May balak sabihin pero parang napapangunahan ng hiya. He's always like that. Matagal naman na itong napaamin sa akin pero pakiramdam niya, bawat araw ay siya iyong dating Jacob na hindi pa nakaamin tungkol sa kanyang nararamdaman.

"Are you feeling awkward with me, Jake?" I asked him while we're walking now. Habang palapit ng palapit sa kung saan ang mayroong ilaw, ramdam ko ang kaunting excitement sa akin.

He never did this before. Hindi naman niya ako inaya dati sa mga ganito kaya parang pangunahing beses pa lang ito. And I want to remember his effort for this for the rest of my life. Marami man siyang nagawa para sa akin, ito ang isa sa hindi ko makakalimutan.

"Ako? Bakit ako magiging awkward sa'yo? Ako pa?" pagmamalaki niya. Kaagad ko siyang binatukan ng mahina, dahilan upang matawa ito.

"Akala mo hindi ko nahahalata? Nanginginig kamay mo, oh." Itinaas ko ang kanyang kamay. Bukod sa nanginginig, nanlalamig din iyon. He can't hide anything from me.

Ibinaba niya ng mabilisan ang kamay saka minadali ang paglalakad. Hinabol ko siya dahil sa mas nagiging maliwanag na ngayon ang dadatnan namin.

Before I can grab his hand, bunch of flowers welcomed us two. Pagpasok pa lang ay halos lahat ng haligi ay mas nakikita ko dahil sa mga ilaw na inilagay. Pinuno ng mga sunflowers saka rosas ang mga iyon. Halos kulay dilaw ang mga pailaw. Sa bandang itaas naman ay kita ko rin ang mga telang nakalagay bilang disenyo. Ang mga bakanteng espasyo ay pinuno ng mga ilaw na mas lalong nagpaganda. And there is even some flowers hanging. Napamangha ako sa mga nakikita ng mga mata ko ngayon.

Malawak ang lugar. Tanging nag-iisa lang iyong mesa sa gitna nakalagay at mayroong nakahandang mga pagkain na rin. There are two seats while there is also an instrumental music playing in the background. Mula sa kinatatapakan ko ay kitang-kita ang nakapaligid na mga bulaklak sa sahig. Napuno ang bawat parte niyon at hindi ko na kita ang tiles na tatapakan kapag nakapunta na kami sa gitna.

I gave Jacob a glance. Tahimik itong nakatayo sa gilid ko, nakatingin ng diretso sa akin, hindi nakangiti at nakahawak ng sunflowers. Nag-iisa lang iyon pero sobrang laki. May mga dahon pang natira.

From his eyes, I can see how he likes looking at what he did. Masasabi kong matinding pagpaplano ang kanyang nagawa dahil sobrang ganda ng kinalabasan. He likes planning and now, he planned for this private dinner.

Mas lalo lang akong humanga sa kung anong kaya niyang gawin. It's just so beautiful to see that he really excels in this.

Unti-unti itong lumapit sa akin. Hindi niya naialis ang kanyang tingin sa akin habang ganoon din ako sa kanya. He's breathing deeply. Tila kinukumbinsi nito ang sariling huwag maging kabado kahit alam niyang halatang-halata na.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan. I waited for him to finally be near at me. Nang tuluyang makalapit na ay dahan-dahan niyang ibinigay iyon sa akin kasabay ng kanyang pagngiti. He smiled sweetly and I can now see how he blushed. Pinigilan kong matawa ng bahagya saka tinanggap iyong bulaklak.

"Sorry kung may dahon pa. Naubos na kasi kanina para sa mga disenyo," dahilan niya sa akin. He looked at where the flowers are located. Pati iyong mga nakakalat sa sahig ay tinignan din niya.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now