Chapter 29

81 4 0
                                    

If someone will ask me about places that I want to visit as always, I'll answer beach. Wala lang. Kasi sadyang nabibighani lang ako sa taglay na kagandahan ng tubig, ng dagat pati ng mga buhangin. It just gives me the vibe of peace and calm.

The waves' harshness can hurt but when its calmness starts, everything will be in place. Mapayapa tapos walang kahit na anong ingay na naririnig. I can sit all day beneath the sea just to stare at the breathtaking view of it. Hinding-hindi ako magsasawa.

Another reason is that me and Jacob loves going to the beach. Kahit pasyal lang tapos kaunting kain ng mga paboritong pagkain sa tabing dagat, ayos na ayos sa amin iyan. Wala naman kasi kaming nagiging problema kapag iyon ang nagiging set-up ng treat sa isa't isa.

Isinandal ko ang ulo sa kanyang balikat. Pareho kaming umiinom ng tahimik, sinusulit ang pagsosolo namin dito sa tabing dagat. Hinayaan niyang nakatakip na sa katawan ko iyong tuwalya dahil ramdam niya yatang nilalamig ako ng kaunti.

"Jake?" panimula ko.

"Hmm?" he softly replied. I bit my lip to not react on his soft voice. Well, it sounded really manly for me.

"If you're given a chance to go to some places, where would you go?" I asked him. Tinungga ko iyong alak na hawak.

He kept quiet for a while. Nanatili akong nakasandal sa kanya. Mukhang iniisip pa niya ang dapat na isagot.

"Sa langit," simple niyang sagot na ikinakunot ng noo ko.

"Langit? Bakit? Gusto mo na bang mamatay?" pabiro kong tanong ulit na may halong kaunting tawa.

"Oo."

My head immediately rose and then punched his shoulder. Tinignan ko siya ng masama dahil sa narinig saka ito natawa ng todo.

"Ano ba? I'm asking you nicely. Stop fooling around."

"Sinagot naman kita ng tama, ah?" depensa niya pa sa akin na dahilan kung bakit sinapak ko ang kanyang balikat ulit.

"Gusto mo nang mamatay?"

"Syempre joke lang iyon. Pero iyong langit ang gusto kong mapuntahan? Hindi joke 'yon, uy."

He smirked and playfully watched my reaction. Nanatiling masama ang nagiging titig ko sa kanya, hindi matanggap ang uri ng kanyang sagot.

Tumayo ako saka pinagpagan ang sarili. Mabilis naman niya akong hinatak kaagad saka pinabalik sa pagkakaupo.

"Teka nga. Hindi mo pa nga natatanong ang dahilan ko, eh. Walk-out ka na agad?" I continued staring darkly at him. Iyong kanyang itsura ay natatawa pa at parang hindi nakukuntento sa tinging ibinibigay ko sa kanya.

I crossed my arms. Naka cross sitting kami ngayon at magkaharap na. I raised my right brow and then didn't smiled a bit.

"O sige. Anong dahilan mo?" I madly asked him. Sa pwedeng isagot, iyon pa talaga? Is he thinking something? Gusto ko na tuloy na iwanan ito rito mag-isa.

Hindi ko nagustuhan ang kanyang sagot. That's it. May something lang talaga na hindi ko nagugustuhan sa langit na kanyang sinasabi.

"Okay. Gusto kong mapuntahan ang langit kasi syempre, kapag namamatay tayo-"

"Can you just say your entire reason? Hindi ka pa naman mamamatay, ah?"

"Hindi nga. Huwag mo kasi akong istorbohin." Saad niya. Inirapan ko siya dahil sa inis. "So, I wanted to go to heaven because for me, after all what I did in this world, I know that I belong in there. Kasi kapag dumating man iyong araw, sa wakas, masasabi kong wala na akong problema. Doon kasi ay wala ka nang iintindihin pa. Hindi ko na iisipin kung paano ko sisimulan ang araw ko, paano ko makukumpleto ang araw ko nang hindi kita nakikita. Tapos masyadong banal siguro ang mga tao roon kaya ayun. Heaven is the safest place for me."

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now