Chapter 38

150 4 0
                                    

Maybe in my life, I will feel all the emptiness inside me. Lumaki akong magkahiwalay ang magulang ko pero hindi pinagkaitan ng magandang buhay. If there is another thing that I don't want to feel or experience, it is being hollow.

Na wala nang natira pa sa akin. Na parang pakiramdam ko ay magiging katapusan ko na.

I fear death and the emptiness comes second. I don't know but I just feel weird now. Hindi ko alam kung instinct ko ba ito o ano. My heart's beating fast not because I can feel an excitement.

I had a bad dream last night. Parang binangungot ako sa lagay na iyon kaya pagkagising sa umaga ay hinihingal ako.

I keep on reminding myself that it was just a dream. Na hindi mangyayari sa totoong buhay.

We went back home. Hanggang sa makarating ng bahay ay sinikap kong kumilos ng maayos. Naapektuhan yata ako ng naging panaginip ko kung kaya't hanggang dito ay nadala ko.

"Aalis nga pala ako bukas. My friend invited me. Hindi naman ako makatanggi kasi nakakahiya naman." Nag-aayos ako ng gamit nang sabihin ni Jacob iyon. Tinulungan na niya ako sa ginagawa.

Saglit akong huminto saka napatingin sa kanya.

"Anong meron?" I asked curiosly. Tinutupi niya iyong mga damit na natuyo kanina.

He shrugged his shoulder.

"I don't know. But I will be back as soon as possible. Punta lang ako doon tapos sibat din kaagad," he answered me. Napakurap ako ng ilang beses.

Parang first time ko lang marinig sa kanya na hindi niya ako isasama o kinukulit man lang. Usually kasi, tuwing may pupuntahan, laging namimilit na sumama ako kahit ayaw ko naman.

It just feels strange to me. Nakakapanibago lalo na't kitang-kita ko sa mukha niya ang kaunting saya.

"Hindi mo yata ako inaaya ngayon?" Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. I'm not mad. Nagtatanong lang at gusto ko lang naman makasigurado.

"Hmm? Tampo ka?" naroon na naman ang naglalambing niyang boses.

I laughed a bit. Naramdaman ko ang paglapit niya sa kinauupuan ko. "Ayoko kasing istorbohin ka muna. I mean, hindi lang naman ako magtatagal doon sa kaibigan ko. Uuwi rin ako kaagad. Ayoko namang pagurin ka."

"Tss. Dati na akong busy tapos ngayon ka lang yata hindi nag-aya sa akin? Baka may tinatago ka?" He immediately shook his head. I was just teasing him.

"Oy grabe naman. Wala akong tinatago sa'yo. Hindi naman tayo magtatagal ng ganito kung mayroon akong tinatago."

"Oo nga. Nagtatanong lang naman ako sa'yo. Bawal bang ma-curious sa pupuntahan mo?" napahilot siya sa sentido. Bakas sa kanyang mukha ang hirap ng pagsagot sa tanong ko.

"No, it's not like that. Nagpaalam lang naman ako sa'yo tapos ang daming follow up questions." Mahina kong tinampal ang kanyang tiyan. Napadaing siya roon habang natatawa sa akin.

"Stop joking, will you? Seryoso ako, okay?"

"Bakit? Sino bang nagsabi sa'yong nanloloko ka?" I glared at him. Umamba akong hahampasin siya ulit pero ginawa niyang panangga ang kamay.

He started smirking. Tinigilan ko ang paglalaro sa kanyang ugaling minsan ay sumusulpot na lang. I continued what I am doing and ignored him.

Sa kabila ng nagawa, dahil sa bilis ng kilos ng kanyang katawan, kaagad niya akong ninakawan ng halik. Dahil sa sobrang kaseryosohan ay hindi kaagad ako nakakilos sa kanyang ginawa kung kaya't parang naestatwa pa ako.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now