We actually wanted to travel to Antique right away. Pareho kaming walang pakialam kahit gabi pero mas inisip namin ang kung anong sakaling mangyari sa aming dalawa kapag pinagpatuloy namin ang byahe. So, we decided to go there tomorrow in the morning. Mas sinulit lang namin ang oras sa ngayon.
We are still dancing. This time, he's holding my hands. Sumasabay ako sa galaw ng kanyang katawan na mahinang nakikipagsayaw sa akin. We're both liking what we are doing now. Nakahilig lang ang ulo ko sa kanyang dibdib banda.
I can hear his heart beating. Malakas iyon at walang anong paraan ang makapagpigil.
"Alam mo bang pangarap kong maisayaw ka ng solo? Dati kasi, kapag may nakatingin, hindi ko magawang mayakap ka. Ang awkward kasi para sa akin," saad niya. Umalis ako sa pagkakasandal sa kanyang dibdib saka hinarap siya.
Noon kasi ay tanging normal lang ang sayaw na ginawa. We're not like this. Hindi nagyayakapan tapos syempre, medyo nagkakahiyaan pa sa mga ganitong sitwasyon.
"Ngayong solo mo na ako, bakit hindi mo na ako yakapin ng mahigpit? Ako pa ba ang kikilos para sa'yo?" asar ko sa kanya pero nangiti lang ito.
"Hindi naman. Dancing with you after I confessed my feelings is enough for me. Ang hirap mong maabot pero sobrang worth it naman."
Napailing ako sa kanyang sinabi. Feels like after all these years, it's another achievement for him to say that in front of me. Wala nang pangamba at takot iyon. He's got all the nerve to say that.
"Sugarcoated words. Ganyan na ba ang uri ng mga banat mo sa akin ngayon?" I smirked at him. He shook his head.
"Sino naman ako para magloko sa'yo? Kilala mo na ako simula dati kaya alam mo na lahat ng ugali ko. Ngayon ka pa talaga magdududa, ah?"
I punched him at that. Napatawa ito saka napalayo ng kaunti sa akin. Natigil ang pagsasayaw naming dalawa. I laughed with him after that and his alarm rang. Pareho kaming napatingin doon sa kanyang phone.
He grabbed it immediately and turned it off.
"Uwi na tayo. Baka pagalitan ka ni tita tapos hindi ka payagan para bukas," he said while still laughing. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya palabas.
We left the place after that. Siguro naman ay may tinawagan siyang maglilinis doon. Pareho kaming napapasok sa kotse saka niya ito minaneho.
"Thanks for tonight. Na-appreciate ko iyong effort mo." I fastened my seatbelt first before sitting properly. Pinatugtog niya ulit iyong musikang isinayaw namin. We're now both listening to it while he's driving me home.
"You don't need to thank me."
"Sus. Pa-humble ang gago." I pinched his cheek. Naiwas nito kaagad ang mukha saka seryosong natuon ang atensyon sa daanan. "So, you'll quit smoking na?"
Saglit siyang napaisip. I just asked him that out of the blue. Gusto ko lang makita kung ano ang magiging reaksyon niya pero mukhang nag-isip lang ang kumag. He's just driving with all his attention on the road.
"Bakit? Tayo na ba?" he fired back at me. Mas lalong lumapad ang ngiti ko saka walang sere-seremonyang lumapat ang labi ko sa pisngi niya ng mabilisan. I kissed his cheek in an instant.
Imbes na itigil ang sasakyan at magulat sa ginawa ko, nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho nang may naglalakihang mga mata. He dropped his jaw, not literally. Nakangisi lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ang kanyang sariling magulat.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
Tiểu Thuyết ChungThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...