Mas naging komportable ako sa napiling isuot. I went for a simple dress with my hair in a bun style. Hindi na ako masyadong naglagay pa ng make-up dahil sa uuwi rin naman kami kaagad.
Jacob's waiting for me downstairs so I hurried. Saglit ko pang inayos ng kaunti ang sarili bago tuluyang bumaba.
He's sitting on the couch. Nakikipag-usap ito kay Mama at mukhang naistorbo lang dahil sa pagbaba ko. Napatayo ito kaagad at binigyan ako ng ngiti kahit na matagal ang naging pag-aayos ko.
"11 pm, Phoebe, okay? Nasabihan na rin ako ni Alonzo tungkol dyan," sabi ni Mama. Of course, Alonzo won't break the rules. Kung hangga't anong oras ang kanyang sinabi, hanggang doon lang.
"Yes, Ma."
"Ingat kayo ni Jacob. Be sure, ha?"
Napatango na lang ako saka sabay na kaming nagpaalam ni Jake. He opened the door for me and I went in to his car. Alonzo's already waiting for me at his cousin's house.
Biglaan ang naging party at hindi niya man lang ako nasabihan tungkol dito. Hindi tuloy ako masyadong nakapaghanda.
I thought, he'll be busy the whole week kaya hindi ko naman inaasahan na aayain niya ako sa isang party.
"Okay na ba ang itsura ko?" I asked for his opinion. Napatingin naman ito sa akin ng diretso sa mukha.
Minsan niya lang talaga ako makitang ganito ang suot. If there is no such occasions, I am not wearing this kind of dress. Pinapanahon ko lang talaga ang pagsusuot ng ganito.
"Yup. Okay na 'yan. Hindi mo naman kailangang mag-apply ng make-up."
"Sigurado ka, ah? Baka naman kasi hindi maganda."
He chuckled. Ayoko lang din naman kasing ma-out of place doon mamaya. I should look decent. Hindi ko rin naman gugustuhing ako lang ang naiiba.
"Why you're so concern? Kahit naman anong itsura at suot mo, kaaya-aya namang tignan," he reasoned. Hindi ko alam kung pampalubag loob niya ba iyon sa akin.
"Oo na. Thank you pala. Hinatid mo pa talaga ako."
"Of course. I want to make sure you're safe."
Napangiti ako. Ang concern kong best friend. Hindi na ako magtataka kung pati mismo sa araw ng kasal ko, siya rin ang maghahatid sa akin. I will gladly accept that if that'll happen.
Mas gusto kong nakikita niya rin akong masaya sa espesyal kong araw. I will do the same also on his day. Pareho kaming magiging masaya para sa isa't isa.
Ako na mismo ang nagturo ng daan papunta sa pupuntahan. Gusto kong humingi ng pasensya dahil simula kanina, siya ang nagmamaneho para sa akin.
Hindi naman kasi siya nagrereklamo kaya siguro ay okay lang din sa kanya.
"Ingat ka, ha? Pahinga na kaagad pagdating sa bahay niyo, okay?" paalala ko sa kanya nang makarating na kami.
Tanaw na tanaw ko na sa gate si Alonzo na simple lang ang suot. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay doon.
"Text me when you're already at your house. 11 pm sabi ng Mama mo. Kapag hindi ka nag-text sa akin, babalikan kita rito. "
Napairap ako sa sobrang pag-aalala naman nito sa akin.
"Yes, yes."
"Huwag magpakalasing. Don't let yourself be drunk tonight. Alam mong ako lang naman ang nakakapagpauwi sa'yo kapag nalalasing ka."
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
Tiểu Thuyết ChungThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...