Chapter 24

82 3 0
                                    

Alam ko kung anong ibig sabihin ng naging pangalan ko, pero iyong rason na sinabi sa akin ni Mama? Ngayon ko lang narinig.

Hindi ko alam na ako pala ang naging liwanag sa kanila. Though I am not that kind of daughter who's clingy and sweet to her, she still see me as one. Hindi man niya naipapakita sa akin palagi na ganoon nga ang turing niya sa akin, parang isang malaking realisasyon ito na ngayon.

She is my mother. She carried me for nine months. Siya ang nagpalaki at nagpursigi para sa magiging kahihinatnan ko. She and my father gave everything to me. Sobra-sobra na iyon para sa akin.

And the life I am living now has a big worth for me. Hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa kanila.

Sa totoo lang ay malaking biyaya na sa akin ang ganito. That's what my life looks. Hindi naman kami masyadong mayaman pero alam ko kung paano pahalagahan ang isang bagay.

I packed my things and hurriedly left the house. Madalian kong inihagis na lang ng basta iyong bag sa sasakyan ko saka minaneho papuntang school.

Ni hindi pa ako nakakain ng umagahan dahil lang sa hindi ko paggising ng maaga. I actually didn't got a long hours of sleep. Gising na gising kasi iyong isipan ko sa kakaisip sa sinabi ni Mama.

Added by  the sudden rush of time now. Talagang hindi ako nakapaghanda ng maayos.

Mabilis din akong bumaba ng kotse nang makarating na sa parking lot. Halos hindi ako magkandaugaga sa pagbitbit ng bag at sinara na lang ng tuluyang iyong pintuan ng kotse.

I walked in the hallway while still fixing my hair. Sinuklay ko lang ng mabilisan saka naging dire-diretso na kaagad ang mabilis kong lakad.

Sa dulo niyon ay kitang-kita ko si Jacob na nakatayo habang may ilang tangkay ng rosas na hawak. He's holding some red roses while leaning on the pole. Hindi ito nakatingin sa gawi ko kaya hindi niya ako napansing paparating.

Napatakbo kaagad ako bago tuluyang nakarating sa kanya. I tapped his shoulder that fast, not having any chance to talk to him for a while. Mabilis ang naging lakad ko saka hindi na nag-abala pang lumingon sa kanya.

"See you later na lang, Jake!" sigaw ko sa kanya at natakbo ulit. Kahit ganoon, nagawa pa niyang hatakin ako saka mapabalik sa pwesto malapit sa kinatatayuan niya.

My brows furrowed and then looked at him. Halatang kanina pa ito naghihintay dahil iyong mukha niya ay wala na ang bahid ng kapreskohan. But still, he looks handsome. Sadyang nakakapanibago lang makitang parang pagod ito.

"Teka lang. May class ka?" tumango ako na may halong pagmamadali. Parang natauhan naman siya doon saka niluwagan ang pagkakahawak sa akin bago iminuwestra iyong mga rosas.

Hindi ako nagdalawang-isip na kunin iyon sa kanya. Nakabalot pa sa isang tila mamahaling papel ang bawat isa niyon. Parang sa kahit ganito karaming rosas, handa siyang gumastos ng malaki. Mayroon pang card na naroon na wala naman akong nakikitang sulat.

"Uh... baka pwedeng  advance celebrate tayo mamaya?" he asked. Wala sa huwisyo ang isip ko ngayon. My mind's fully attentive to my class.

"Huh?" saglit akong napatingin sa relo bago nanlaki ang mga mata. "Oh shit! Hala, Jake! Late na ako masyado sa class! Kita na lang tayo mamaya!"

I started running again while holding those roses. Pero saglit ding tumigil nang makarating sa kalagitnaan.

I went back to him and greeted him. Baka sabihin, nakalimutan ko pa.

"Advance Merry Christmas, Jake! Sa Pasko na lang tayo mag-celebrate, ah?" I said to him before going finally to our class.

Luckily, I didn't got some detentions. Buti na lang dahil hindi gaanong istrikto ang guro namin sa ngayon. At least, I don't have some absences now. Mahirap nang lumiban lalo pa't pakiramdam ko, parang buong lesson ang hindi ko napakinggan.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now