It's hard to assume. I am not that hundred percent sure when it comes to that thing. I look desperate about the wedding but I can't blame myself. Hindi naman ako demanding.
"I'm sure that your wedding will be beautiful. I mean, look at you two. You two are in love with each other!" I chuckled. "Hindi mo alam kung gaanong pagmamalaki ang ginawa ni Jacob sa amin dati. I thought that time you two are in a relationship already."
"Ma, let's not talk about that. Masyadong nakakahiya naman," he also chuckled softly.
Mula kanina pa ay hindi niya binitawan ang kamay ko. It's as if he's calm when doing that.
Tinignan naman ito ni tita na malapad ang ngiti. Even his cousins are like teasing him. Nakakadala iyong mga ngiti nilang halos magkakapareho.
If I can describe their features, they all have the same. Kaunti lang naman pero kitang-kita ko ang mga pagkakapareho. Nananalaytay na yata iyon sa kanilang dugo.
"Coming from you? Hindi ka naman yata sanay sa buhay may asawa?" his other cousin jerked at him. Mukhang iyon ang pinakamatanda sa kanilang lahat dahil sa postura nito.
"Oh c'mon. Masyado niyo akong tinitira ngayon. This is supposed to be our night. Masarap ang pagkain, oh." Natawa ako sa kanyang naging kilos. Hindi sanay na pinag-uusapan pero kapag kaming dalawa lang, nakakagawa lahat ng kilos na kanyang gusto.
Napuno ng tawanan ang hapag pati ng pagkukumusta sa ilang kasama. I actually admire the kind of family they have. Marami tapos puro mga maayos ang mga buhay nila. Hindi magulo at walang pagkamuhi sa isa't isa.
Inilapit ko ang labi sa kanyang tenga saka bumulong. "I think you should learn how to face them without trembling," inginuso ko ang kanyang kamay. "Nanginginig ka masyado."
He looked at me with a surprise expression. Napatingin din siya sa kamay at nang mapagtantong totoo nga ang sinabi ko, inayos niya ang pag-upo. He cleared his throat and then fixed his hair.
Ngumisi ako dahil mukhang kanina pa naman ito kinakabahan, ngayon lang nagpakita ng kilos.
"You think this is easy for me, huh? Nakakakaba kaya," bulong niya sa akin na parang hahalik na. I glanced at his family and luckily, they're not looking at us. Baka isipin pa nilang PDA kami rito.
Minura ko siya saka itinuloy ang pag kain. The foods are too delicious to ignore. Sinabayan niya ako saka nakisali na rin ako sa usapan nila.
"Where's your mom? Bakit naman yata nakaligtaang imbitahan ni Jacob?" I swallowed the food first. Naroon na rin sa akin ang tingin ng kanyang ama.
"Uh, sa bahay po. Dinner lang naman daw po sabi ni Jacob kaya hindi ko na nasabihan pa si Mama," sagot ko. Their eyes suddenly went to Jacob who also widened his eyes at them.
Sabay-sabay nilang inalis ang tingin kaagad sa kanya. My brows raised like I am not part of something they know. Ikinibit ko ang balikat saka hindi na iyon pinuna pa.
Buti na lang ay hindi sa akin iyong kanilang atensyon. I felt comfortable after knowing that. At least, wala akong tila pangamba sa kanilang susunod na itatanong pa.
The dinner went smoothly after that. Hindi naman ako na-out of place. Good thing because I got a chance to know personally his cousins' wives. Simpleng pag-uusap lang naman ang ginawa namin pero para sa akin, nakagaanan ko na sila ng loob.
I also talked to tita and tito. Malapit naman ang loob namin sa isa't isa pero tuwing nakakaharap na sila ay para akong nililitis.
They both got a look but sometimes, I can feel their strictness. Pareho naman silang mababait pero sadyang ganoon lang talaga ang nagiging pakiramdam ko.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
Genel KurguThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...