The thoughts of mine while he's here was like out of this world. Hindi na ako kaagad nakadugtong pa ng pwedeng gamiting salita saka nanahimik na lang.
Aaminin kong parang ang hirap ng sitwasyon namin. Gusto niya ako pero habang ako, nag-set up pa ng date para lang makapa ang sarili.
Dahil ba sa awa sa kanya? No. Hindi naman ako naaawa dahil lang doon. Gusto ko lang naman kahit isang beses lang sa ganitong buhay namin, maranasan niyang mahalin ng isang tao.
It's not pity at all. I just want to give him the thing that he never experienced.
Nang makarating na ang kanyang pinsan ay doon lang din namin naisipang umalis na roon. I had a good time with their son. Hindi ko naman nasayang ang pagkakataon doon. At least, I was given a chance to make him a promise to me.
Hindi naman siya obligado. Gusto ko lang na kung dumating man ang panahon na iyon, hindi siya masaktan ng tuluyan. I want him to live his life to the fullest even when I'm gone.
Sa aming dalawa, ako pa naman iyong malapit sa aksidente. How I wish that it won't happen. Marami-rami pa akong pangarap sa buhay na gustong tuparin.
"Jake? Do you still like me?" I asked him out of the blue. Nasa sasakyan na niya kami at paalis na ng lugar.
I am just making it sure. Sa ugali pa niya naman, hilig maging maloko. Hindi ko na alam minsan kung iyong mga sinasabi niya ba ay totoo pa o hindi na.
"Why?" he replied. Nanginig ng kaunti ang kanyang labi tapos parang hindi alam kung tama bang iyon ang kanyang naitanong.
In my life, I didn't asked someone like this. Hindi kailanman ako nagtanong ng ganito kasi kusang nagsasabi naman iyong tao na gusto niya ako. Now's the first time.
I breathed deeply. Nagmamaneho na siya ng sasakyan, pinapatakbo na iyon.
"Wala naman. Baka kasi akala mo, nakalimutan ko tapos natatakot ka na namang gumawa ng kilos."
That's another thing about him. Kung hindi ko papangunahan, hindi kikilos. Iisipin pa niyang mali ang gagawin kaysa sumubok. He is scared sometimes. Mas iisipin pa iyong iisipin ng ibang tao kaysa gawin na lang niya ng kusa ang kilos.
"I honestly want to do anything for you. Kaso, naisip ko na baka sabihin mo, masyado akong nagmamarunong. It's always okay for me to hear what you think first."
Nahihimigan ko ang kaseryosohan sa kanyang boses. Mabagal ang pagpapatakbo niya ng sasakyan habang ako ay sinasabayan ang tunog na kanyang pinapatugtog.
"I may be stupid but I made a smart choice of having a crush on you. Kung pwede na nga lang isulat na sagot ang pangalan mo dati, ginawa ko na para maipagmalaki ka lang."
I silently laughed at that. Gusto ko mang maging seryoso sa matagal na minuto, hindi ko naman nagawa dahil sa kanya.
And yes. He can make me laugh. Lagi naman.
"Pwede ka namang manligaw na sa akin. Sino bang pumipigil sa'yo?" tanong ko sa kanya.
I looked at him. Diretso ang kanyang pagkakatitig sa daanan. Ni hindi ko nakitaan ng pangamba iyong kanyang mukha sa ngayon.
Hindi naman uso siguro sa kanila ang arrange marriage. His parents are giving him his freedom. May laya siyang magkagusto sa kahit na sino hangga't sa makita na niya iyong mapapangasawa niya.
I've never heard him talking about that thing. Wala namang ibang nakalaan sa kanya. Kung mayroon man, matagal nang may nakabakod dito.
Well, only if he wants to court me. We've known each other for a long time but courting someone to express your love is way different.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)
General FictionThe meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she values more the relationship that she created together with Jacob Ezra Valdemora, her boy friend since their high school days. They are eac...