Realization
"Let's go home to Davao, hon. It's so somber here..."
Napatingin ako kay Senyora Lucinda nang narinig siyang sabihin iyon. Luminga-linga siya sa tahimik na mansyon.
Kararating ko lang galing sa pagliligpit sa bahay. Sinadya kong ngayon lang pumunta rito dahil kaaalis lang ng mga Hermedilla patungong Canada isang oras ang makalipas. Nagpaalam ako kay Russel sa hacienda kaya ayos lang na hindi ko na sila nakita bago umalis.
"We'll leave tomorrow. Let's just rest the whole day. It's been an exhausting month," si Senyor Fredericko.
Bumuntong hininga si Senyora. Inalalayan siya ni Don patungo sa itaas para makapagpahinga. Naghahanda na ng hapunan ang mga kasambahay at nasa taas pa ang lahat.
Pinatawag ako ni Attorney Felicia ngayon. Agad akong pumunta dahil nasisiguro kong tungkol sa kaso iyon. Nailatag na ang kaso.
Tahimik akong umakyat ng hagdan. Huminga ako ng malalim nang kumatok sa pinto ng guest room ni Attorney Felicia.
"Come in," I heard her say.
Tumikhim ako bago binuksan ang pinto. Agad ko siyang nakita na may mga papeles na binabasa sa lamesa sa harap ng malaking bintana. Tahimik akong pumasok at sinarado ang pinto.
"Magandang hapon po, Attorney," hindi ko sinasadyang lumamig ang boses ko.
I told myself I should be more cordial to her. I don't want her to think I'm being ungrateful. But I've been finding it hard to avoid sounding cold, even to Therese. Maybe my heart has really gone cold. Maybe I lost my spirit... and I don't think it's coming back anytime soon.
"Uh, may balita ho ba tungkol sa kaso-"
"Did you talk to Eros before he left earlier? Or maybe the days prior?"
Napakurap ako. Is this meeting about the case or about Eros? Maybe both?
Saglit akong nag-isip. Kung sasabihin kong nakausap ko nga siya, magagalit kaya siya? Pero noong nag-usap naman kami, kinumbinsi ko siya na... h'wag nang bumalik.
"Opo."
Saglit niyang naibaba ang papel na binabasa. Nasisiguro kong tungkol iyon sa kaso ni Mama. Iyong kaso lang ni Mama ang kinuha niya dahil mas abala siya sa promotion.
"And what did you talk about?" there was a subtle threat in her tone.
Inalala ko ang huli naming pag-uusap. Kung paano ko siya inakusahan sa isang bagay na wala naman siyang kontrol. Alam kong pagsisisihan ko iyon... na hindi ako patatahimikin noon... pero saka ko na iisipin kapag ayos na ang lahat. Kapag nakulong na ang hayop na 'yon.
"Gaya ng kondisyon, sinabi ko sa kaniya na h'wag na siyang bumalik pa."
Nakatalikod siya sa akin pero nakita kong bahagya siyang natigilan.
"That's it?"
"'Yon lang ho 'yon. Sa kaniya mismo nanggaling na hindi na siya babalik."
"Did you talk to him about his engagement with my daughter?"
I pursed my lips. "Hindi na ho kami umabot doon. Pero... ang masisiguro ko lang ay sa kaniya na mismo nanggaling na hindi na siya babalik. Putol na ho ang ugnayan naming dalawa. Wala nang kahit ano sa pagitan namin."
She lifted her chin, probably thinking about what I said. I wanted to move on and ask about my mother's case but she didn't let it go yet.
"Hmm."
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
RomanceDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...