I Hope So
Mali talaga, e. Kahit pa ilang beses sabihin ni Eros na hindi niya gusto si Samuela, at hindi siya nagpapakita ng motibo, hindi pa rin mababago ang katotohanang gusto siya ni Samuela. And that's enough reason for me to back off and walk away. To let these feelings go... even when I know it's going to be torture.
Kahit saang banda tignan, hindi maganda na ganito ang nararamdaman ko sa lalaking gusto, at maaaring maging fiancee, ng kaibigan ko.
Isa pa, aalis din naman siya. Marami pang babae sa mundo. Iyong mga babaeng namuhay nang hindi manlang nadudungisan ang mga kamay. Iyon ang mga babaeng bagay sa kanya. He belongs to a woman who is his equal, and a woman like me is no match for him, even when I work hard and have a successful career.
Aalis din siya. Kaunting tiis lang at aalis din siya. Hindi na kami magkikita ulit kaya wala nang problema.
But I then wonder... will I ever forget him, and will these feelings subside when he leaves?
I can't answer it because I've never felt this way before. I don't know how this works. And it doesn't help that I'm resisting it because it makes everything harder.
But I hope so. Hard.
Tinanggap ko ang alok na trabaho ni Eros para sa akin. Hindi naman naging matunog kay Mama iyon dahil alam naman niyang aalis nga si Ate Lina, at nasa loob lang naman ng hacienda ang trabaho kaya wala siyang dapat ipag-alala. Besides, she knows that I cannot stay at home without doing anything. Especially now that my thoughts are erratic.
Sinadya kong pumunta sa opisina umaga ng Lunes. May mga pinapirmahan lang sa akin at na-brief na rin ako sa mga gagawin.
"Maswerte ka. Hindi tumatanggap si Senyora ng hindi college graduate, pero pinapasok ka. Kaya nga may scholarships sila, ang mga pinapag-aral ay tatlong taon munang magbabalik ng serbisyo bago sila hahayaang umalis. Pero ang karamihan, nanatili na talaga dahil magaling mag-alaga ng mga empleyado ang mga Hermedilla. Mababait at maayos magpasweldo."
I pursed my lips and nodded. She's an old lady, probably one of the eldest employees of the hacienda under Senyora Lucinda, that's why she's talkative and a bit impudent.
"Ang iba naman, kung lilipat man ng kompanya, doon na sa mas malalaking korporasyon ng mga Hermedilla. Maayos magpatakbo at mapagkumbaba sa mga empleyado."
"Oo nga po. Scholar ako ng school pero malaking kaginhawahan din po ang allowance na binibigay ng mga Hermedilla. Nakakatulong po kay Mama."
Tumango ang matanda. Tumingin siya sa akin, ang salamin ay nasa bungad na ng ilong.
"Si Senyorito Eros yata ang nag rekomenda sa 'yo. Pumayag naman si Senyora dahil malaki ang tiwala sa katalinuhan mo."
Ngumuso ako at sumunod sa kanya habang iginigiya niya ako sa mga trabaho. Ngumiti ako sa mga empleyado, karamihan ay kilala ko na dahil madalas ako rito. Pamilyar na rin ako sa trabaho dahil nang tumira kami rito ni Mama noong namatay si Papa, nangako si Mama na magtatrabaho sa hacienda at tutulong sa mansyon bilang kabayaran. Dito na ako lumaki sa hacienda kaya alam ko na ang lahat ng ito.
"O baka dahil nobyo mo rin si Senyorito Russel..."
Umiling agad ako. "Hindi ko po nobyo. Magkaibigan po kami. Malapit na magkaibigan."
"Hmm. Pansin ng lahat ang pagiging malapit niyo. Palaging nasa bahay niyo. Paanong hindi mo nobyo?"
"Inaanak po siya ni Mama. Kaya malapit sa aming dalawa. At hindi rin lang naman po siya ang pumupunta roon, kasama po si Therese."
She eyed me for a while. She smoothly looked away and pursed her wrinkled lips.
"O siya..." she sighed and tapped the pile of documents.
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
RomanceDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...