Food Truck
When you're young, what can you do to help your mother at least get through a day in life?
Iyan ang tanong na tumatak sa isipan ko habang lumalaki ako, pinapanuoran at pinakikinggan ang araw-araw na paniningil kay Mama sa mga utang sa dati naming mga trabahante.
It's been more than a decade since my grandparents' business got bankrupt, and my father's firm was sold. Naubos na ang trust fund ni Mama, at ngayon nakipagsundo na lang kami ni buwan-buwan magbayad ng natitira.
Hindi ko kayang makinig at manuod lang habang nahihirapan si Mama. Kaya naman pilit kong sinagot ang tanong na 'yon sa pamamagitan ng pagtatrabaho at pag-aaral nang mabuti.
There are times when I sacrifice my youth for money, just to relieve us for a day. And as time passes by, I get more impatient. I wanted to grow faster so I can work and earn money. I wanted the hands of the clock to rotate quickly so I can finally raise us from the life we have now.
Nakatulala ako sa aking orasan, kagigising pa lamang isang umaga. I closed my eyes tightly and brushed my hair using my fingers as I hear the ruckus outside our house. Ang sigaw ng dati naming trabahante ang gumising sa akin ngayong umaga.
"Tangina, halos labing limang taon na ang lumipas, hindi pa manlang kami nababayaran sa serbisyo at investment namin noon! Nasaan na ang pangako mong babayaran mo kami ngayong akinse?!"
I hurriedly stood up and fixed myself so I can go outside. Kumuyom ang kamao ko habang dali-daling naglalakad palabas ng bahay.
"Babayaran ko kayo kapag nakaluwag na kami! Alam niyo namang nang nagsara ang negosyo ni Papa at ang firm ng asawa ko ay ipinangbayad sa utang sa bangko ang natirang pera, hindi ba?"
"Ilang beses na naming narinig sa 'yo 'yan, Agnes! Malaki ang respeto ko sa ama mo dahil magaling siyang negosyante! At ang asawa mong matalik kong kaibigan, hinila ako pababa! Isipin mo, dati akong engineer, ano na lang ako ngayon?!"
While my mother was suffering from the bankruptcy of my grandparents, my father's building project failed terribly. Gumuho ang tower na kanyang dinisenyo, at hindi lang siya ang bumagsak sa industriya. Maging ang mga engineer at kapwa architect sa kanyang firm ay nagsibagsakan din.
My grandparents are good friends with Senyor Fredericko and Senyora Lucinda so they allowed my mother to stay in their land, to give her shelter and to protect her from the wrath of the workers. They didn't want my mother to work for them, but just like me, Mama is loyal with her principles. She did not want a free stay so she worked for their hacienda and their household.
"Bumalik na lang kayo mamaya, parang araw niyo na... Tulog pa ang anak ko. Kapag nagising 'yon at marinig ito, hahanap na naman 'yon ng trabaho! Bugbog na 'yon sa trabaho-"
"Wala kaming pakealam, Agnes! Ang gusto ko, mabayaran na kami para sa serbisyo namin sa inyo noon! May anak din ako, Agnes! Nag-aaral din ng kolehiyo ang anak ko!"
"Tama na 'yan, Sir!" anang mga trabahante na kapit-bahay namin.
Napatalon ako nang napagtantong naestatwa ako sa kinatatayuan ko sa sobrang galit. Tumikhim ako at lumabas ng bahay. Naabutan ko si Mama na hindi malaman ang gagawin habang nageeskandalo ang dating colleague ni Papa. Ang mga trabahante ng mga Hermedilla na kapit-bahay namin ay inaawat na ang lalaki.
"Tama na 'yan, Sir! Nasa lupain kayo ng mga Hermedilla! Paparating na ang mga guard!"
"Dapat na talagang ipasara ang lagusan sa likod ng hacienda para hindi nakakalusot sa guard ang gagong 'to-"
"Tama na!" halos sigaw ko.
Nanlaki ang mga mata ni Mama nang nakitang nakalabas na ako sa bahay. Nanginig ang labi niya at mas lalong nataranta. The old thin man was shouting here and there. Natatandaan ko ang lalaking 'yon.
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
RomanceDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...