Heartbeats
True enough, my father's former colleague never got the chance to bother us again inside the estate of the Hermedilla family. Alam kong maraming may galit kay Mama dahil marami pa ang utang niya sa dating mga trabahante ng kanilang farm noon at ang mga empleyado rin ng dating firm ni Papa.
Isa kasi sa mga napagkasunduan noon ay magbabayad si Mama ng benepisyong hindi nila nakuha, h'wag lang ipakulong si Papa noon. They settled for that and withdrew the case, but my mother never got her peace of mind. Marami mang mga trabahante na galit kay Mama, hindi sila kasing rahas at agresibo ni Engineer Camerino.
Personal kong pinasalamatan si Donya Aquina nang nabalitaan sa mga kapitbahay namin na sarado na nga raw ang lagusan mula sa likod ng hacienda. Alam kong may ginawa rin si Eros para maipasara ang daan na iyon pero hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan, o kakausapin man lang.
"It's my pleasure, hija. Mabuti na rin lang at pumayag si Senyor dahil sadya niyang pinagawa ang lagusang iyon."
Ngumiti ako.
"Agnes was my dearest friend and sister, and her peace of mind is important to me. I left her when she needed me the most and now that I can finally do something to make her feel at ease, I gladly did so..."
Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Narinig ko nga kay Mama na nilayuan siya nila Donya Aquina at Attorney Felicia noong nalugi ang azucarera ng mga magulang niya. Kaya hindi ko labis maisip kung gaano nahihirapan si Mama ngayon magtrabaho sa mansyon gayung narito ang dalawa niyang matalik na kaibigan dati.
Kaya siguro madalas sa hacienda na lang tumutulong si Mama. Nagtatrabaho rin kasi siya sa Bayan kaya madalas wala rin sa bahay.
"And also... ganti ko na rin ito para sa pag-aalaga kay Russel noong mga panahong nasa ibang bansa ako. You welcomed him with warmth and this is the least I can do to thank you and Agnes," she smiled and held my arm.
Tipid na ngiti lang ulit ang naigawad ko. She smiled a bit and her eyes looked at me meaningfully. Nasa drawing room kami ngayon ng mansyon kaya rinig ko ang malayong tunog ng huni ng mga ibon. Sing rahan ng hangin ang mga kilos ni Donya Aquina nang lumapit pa siya sa akin.
"If you don't mind me asking..." she paused for a moment. "What's the real score between you and my son?"
Bahagyang nanlaki ang aking mga mata. I didn't know what to answer because the way she looked at me seemed as if she was asking for a positive answer.
"Magkaibigan lang po kami..." sagot ko.
"Magkaibigan pa lang?" she taunted.
"Magkaibigan, po."
She gasped and her brows furrowed a bit.
"But my son seems to like you very much, hija. Lumalabas lang siya ng study kapag susunduin ka o pupuntahan ka. I thought something was... going on between you two..." she said in a suggestive tone. "At nabanggit din sa akin ni Samuela na malapit nga raw talaga kayong dalawa. I can see that."
Umiling ako agad, determinadong pabulaanan iyon. Kung makatingin kasi si Donya Aquina sa akin, parang kumbinsido na siya na totoo iyon.
"Magkaibigan lang po talaga kami ni Russel. H-Hindi ko po siya gusto bilang... uh, boyfriend..." pahina nang pahina ang boses ko.
Her eyes widened a bit. She moved gracefully towards the desk. Her dress swayed along with her gracious movements.
"Well, then. I think it is only my son who likes you. But don't you think you two will make a good couple?" she smiled.
Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ito ang ipinunta ko rito at gusto ko nang umalis, pero hindi ko iyon magagawa kay Donya Aquina pagkatapos ng pabor na ginawa niya para sa amin ni Mama.
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
RomanceDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...