Brothers
"A-Ano?" tanging nabulalas ko makalipas ang ilang sandali.
Lito ko siyang tinignan. Sa pagitan naming dalawa, siya ang mas may kapasidad na maalala ang mga nangyari noon dahil masyado pa akong bata noon. Pero paniguradong kung may katotohanan nga ang sinabi niya, mababanggit naman siguro sa akin iyon ni Mama kahit paano.
Pero wala. Ito ang unang beses na narinig ko iyon at mula pa sa kanya. Hindi siya magsisinungaling tungkol doon dahil... ano naman ang makukuha niya roon?
"We were promised to each other before," he said in a hoarse voice, as if he found it equally difficult to say as I am finding it difficult to believe. "By our mothers. They used to be very close to each other."
Muli akong natulala sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ni minsan akong naipangako sa kanya. It may have been a promise made out of impulsivity or shallow expression of their desire to keep their friendship knitted, but it feels like a very big deal to me. So much so that I cannot believe it would even be a possibility.
At ang mas nakapagtataka sa akin ay ang makaramdam ng pagkamangha sa nalaman ko. Iniisip ko pa lang na kung hindi kami naghirap at hindi nagkawatak ang pagkakaibigan ng mga magulang namin at maaaring ako nga ang ipinagkasundo sa kanya ay tila binabaliktad ang tiyan ko.
The disbelief was starting to feel like flattery, so I snapped out of my whimsical make believes and composed myself.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo," I said unintentionally coldly. "Baka mababaw na pangako lang 'yan na ginawa ng dalawang magkaibigan."
"Perhaps," he nodded and licked his lips. "I can't stop thinking about it, though."
Napaangat ang tingin ko sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang nakapamulsa, samantalang ako ay agad nataranta sa kung anong naramdaman sa aking tiyan. Suddenly, I can't seem to ignore the fluttering feeling in my stomach after hearing what he just said.
And I know it was wrong to feel that way because that was in the past, and he's going to be promised to Samuela very soon. Kaibigan ko si Samuela kaya hindi dapat ganito...
Napaatras ako at napansin niya iyon. Umayos siya ng tayo at tinignan ako gamit ang naninimbang na mga mata.
"Emy," he called, hesitance resonated in his voice.
"U-Uuwi na ako," natataranta kong sinabi.
He nodded, his eyes still weighing me.
"Yes, let's go home," maingat niyang sinabi.
Nanlaki ang mga mata ko kahit sa simple niyang sinabi na iyon. Agad na akong tumalikod sa kanya at hindi katulad kanina, mabilis na ang lakad ko ngayon.
Sumunod din naman agad siya sa akin. Hindi niya ako sinabayan sa gilid ko at nanatili lang siya sa may likuran ko. At dahil pinapanuoran ko ang anino niya, nakikita kong bumibilis ang lakad niya para maabutan ako tuwing may daraan na mabilis na sasakyan.
Wala kaming imikan hanggang sa nakauwi. Hindi na rin niya ako pinilit na ihatid ako hanggang sa bahay ngunit naninimbang pa rin ang kanyang tingin sa akin.
Pagkapasok ko sa bahay ay saktong naroon si Mama kaya agad ko siyang tinanong tungkol doon, pero panay ang iwas niya sa topic na iyon hanggang sa matapos na kaming kumain ng hapunan.
"Pero sabihin mo sa akin, Ma, totoo ba 'yon?"
Bumuntong hininga si Mama at binaba ang basong iniinuman niya. Sinundan ko siya ng tingin habang nagliligpit siya ng pinagkainan namin.
"Oo. Totoo 'yon," sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.
My eyes widened. Pakiramdam ko, sasabog ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Umiwas si Mama ng tingin at halatang ayaw pag-usapan pero alam kong hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman ang totoo!
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
RomanceDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...