Start

10.7K 241 42
                                    

Start

When I was a kid, I had thought that ghosts were the only thing in this world that could haunt us. As I grew up, I still thought the same thing. Until that one point in my life, and at this very moment, that I've proven myself wrong.

There are things far more frightening in this world than mere ghosts. It comes in different forms to other people...

But for me, they were... regrets.

"Emeraude, bakit kauuwi mo lang? Hindi ba sabi ko sa 'yo agahan mo ng uwi dahil may party mamaya," mariing bulong sa akin ni Mama, may kasama pang palihim na kurot.

Ngumiwi ako at napabaliktot. Halos mabitawan ko ang mga libro kong hawak dahil sa mga maninipis na kurot niya sa akin. Inamba niyang ihahambalos sa akin ang walis na hawak ngunit agad akong umilag.

"Magpapalit lang ako sa bahay, Ma! Babalik rin ako agad!"

Mukhang pati iyon ay wala na akong oras para gawin, kaya ganoon na lamang ang diin ng tingin sa akin ni Mama. Pero wala na siyang nagawa nang agad na akong tumakbo papasok sa maliit naming bahay.

Dali-dali kong binaba ang mga libro ko sa kawayang lamesa na nilatagan ng bulaklaking mantel. Tinanggal ko ang aking puting shoulder bag at dali-daling pumasok sa aking kwartong walang pinto, kurtina lamang ang nagbubukod mula sa sala. Mabilisan kong hinubad ang aking uniporme at nagpalit ng disenteng damit.

Nang matapos, pinasadahan ko ng suklay ang aking buhok. Mula sa repleksyon sa salamin, sinulyapan ko si Mama na nakatingin din sa akin. Mariin ang tingin niya kanina pero alam kong hindi siya galit. Hindi naman siya kailanman nagagalit.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan siya.

Mama.

Whatever the things I've done for you... were the only ones I had never regretted. Nor will I ever do. I'd even do it over and over again.

"O siya... mauna na ako. Sumunod ka na agad. Marami pang kailangang gawin sa mansyon."

Tumango ako.

Papalabas na sana ako ng bahay namin nang may narinig akong tumawag sa akin mula sa labas. Sa boses pa lang, alam ko nang si Therese Hermedilla iyon. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan, at siya rin ang nag-iisang babaeng apo ni Senyor Fredericko.

"Emy! Are you home?!"

Binuksan ko ang kawayang pinto. Lumikha iyon ng matinis na ingay nang binuksan. Bumungad sa akin si Therese na nakanguso. Sinarado ko ang pinto ng aming bahay bago siya tuluyang hinarap.

"Sinong kasabay mong umuwi? Bakit hindi ka sumabay sa akin? I waited for you in the parking lot! I told you we'll go home together, right?"

"Sumabay ako sa kagrupo ko. Nag-tricycle na lang. Nakakahiya sa driver mo kung iikot pa siya para sunduin ako."

"I told you it's fine! Casa Fuego is a very remote place and we have no public transportation here! Kaya sa akin ka na lang sumabay palagi. I told you! I'm always worried about you!"

"Sorry. Sa'yo na ako sasabay next time. Nahiya lang talaga ako..." I smiled reassuringly at her.

She pouted again, but wrapped her arms on mine in the end. Ngumiti ako at sabay na kaming naglakad patungo sa manor ng kanyang pamilya.

Sa lawak ng lupain nila, malayo pa ang nilakad namin bago nakarating sa bulwagan ng manor. For a moment, I relished at the sight of the manor gloriously standing in the middle of their vast estate. The grand entrance is anchored with four tall pillars, and a shiny baroque-tiled floor leads to the wooden double doors with intricate curves carved on its body.

Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon