Chapter 30

4.2K 132 66
                                    

Expert 

Parang isang malaking sampal sa akin ang pagtanggi niya. Aaminin kong nasaktan nga ang pride ko at ang pakla sa damdamin na tanggihan, gayung hindi ako kailanman tinatanggihan ng kung sino man noon.

The urge to stop was strong, but then I thought... how could I be so dedicated to my career that makes me happy but not fulfilled, and give up right this instant for an aspect in my life that I think would make me happy... and finally make me feel whole?

So, I didn't give up insisting a lunch with him. Tumatanggi siya. Hindi kami ganoon kadalas magkita dahil kahit malapit ako sa mga Hermedilla, tila kay layo niya. Kahit si Therese, sinabi na medyo mailap nga si Eros, kahit noong nasa Canada pa lang siya at ngayong umuwi siya.

Ilang buwan na simula nang umuwi siya. Siguro talagang itutuloy niya ang plano niyang dito na manatili. With his company stable abroad, and with all his resources, he can make it work even if he settles down here.

In less than two months, the firm will start operating. May mga empleyado na ako sa opisina na nag-aayos ng mga gamit. Hindi ko pa rin maiwasang hindi matakot, lalo na tuwing naaalala ko kung anong nangyari sa firm ni Papa noon. But if there's any silver lining to what happened, I learned lessons from our past that will save me from my downfall.

"Wow! It's so nice!" mangha si Therese nang pinasadahan ng tingin ang kakatapos lang na renovation ng interiors.

Tapos na ang mga dingding, ang glass walls, ang mga opisina, ang maliit na conference room, at ang tiles na sahig. Makalat pa dahil inaayos pa lang ang mga furnitures at naglilipat ng mga gamit ang mga empleyado ko.

This floor was bare when I bought it. Kaya ngayon, hindi ko rin maiwasang mamangha sa pagkakagawa ng interiors nito. Nakakagalak ng damdamin na makita itong lahat ngayon.

Ngumiti ako sa mga empleyadong nakuha ko. Nag-aayos sila ngayon. May mga interns na nagpapakita ng interes na pumasok sa firm ko. May mga kasamahan din akong architects na gustong magfreelance sa ilalim ng firm ko. I'm not in a rush to expand the firm right away, but I realized that with the line-up of projects I already have as early as now, I should invest more on manpower.

"You have a such a big office!" Therese exclaimed excitedly. "You should put a sofa here!"

Tinuro niya ang tabi ng glass wall. Tumango ako.

"Sige. Mamimili pa ako ng mga gamit. Desk pa lang ang nabibili ko. Mahal kasi ang nagastos sa renovation."

"I can lend you money!" she grinned.

I glared softly at her.

Nagkibit balikat siya. "What? It's like an investment! Panigurado madalas din naman ako rito, magagamit ko ang sofa!"

Natawa ako. She's welcome here anytime. Kasama ko na siya simula pagkabata, at alam niya lahat ng mga plano ko sa buhay. Kaya habang pinagmamasdan siya sa loob ng opisina ko, hindi ko napigilan ang mapangiti... at lalong makaramdam ng panglaw.

Ewan ko ba. Despite everything that I've accomplished, instead of feeling completely happy and proud about it, I feel happy... then forlorn next.

I should be grateful. I should be happy and content because this is everything I asked for, and more. But I feel like there's still something missing... and I've been longing for it for so long.

"I can help you assemble your furnitures. Just tell me when!"

Tumango ako. "Baka sa Biyernes na. Marami pa akong trabaho sa kompanya. Tatawagan kita."


Kumain kami ng dinner sa isang restaurant bago umuwi. Galing ako sa site visit kanina kaya agad akong naligo at nagbihis. At ngayon, nakahiga na ako sa kama ko.

Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon