Happy
I was looking forward to Saturday night all week. Pupunta kami sa bar para icelebrate ang first week ko sa sariling firm. Ideya ito ni Therese kaya siya na ang nagpareserve at nag-asikaso ng lahat.
Ganado akong magtrabaho buong linggo. Nasimulan ko na ang mga disenyo ng iilang proyekto, pero iyong disenyo ng bahay ni Eros pa yata ang magdudulot ng stress sa akin.
I don't want to disappoint him. I want my design to be perfect. I want to impress him, too, because for the past years, I've been so impressed with his achievements, both from what I read on the news and from what I heard from his brother and cousin.
"Eros, gusto mo bang sa harap 'yong pool o sa likod?" I asked him casually. I know he's a client, but he's my boyfriend now that we're at home.
Mula sa isang meeting, dito siya dumiretso sa apartment ko. Maaga ang out ko kanina at mahaba pa ang oras bago pumunta sa bar. Sabay na kaming pupunta roon.
Kaya ngayon, nasa sala kami. Nakaupo ako sa carpet, ganoon din siya. Nasa harap namin ang laptop ko, tinitipa ko ang mga suhestiyon o ideya na makukuha sa kaniya... pero wala siyang binibigay.
"Where do you want to put it?"
Bumuntong hininga ako at nilingon siya. Kanina pa siya nakatitig sa akin. Nakapulupot ang kaniyang braso sa aking baywang. Ang likod ko ay isinandal niya sa kaniyang dibdib. Panay ang amoy sa buhok ko. Mas pinagtutuonan niya pa iyon ng pansin kaysa sa bahay niya.
"Nanghihingi ako ng suhestiyon mo para sa bahay mo. Kapag sa harap, pwede nating itapat mismo sa master's bedroom... tapos glass ang wall," ipinakita ko sa kaniya ang sample. "Pero kung ayaw mo namang sa first floor ang master's bedroom, pwede sa taas."
"Where do you want to put the master's bedroom, then?"
"Pwede sa baba, itatapat ko ang pool sa kwarto mo. Pwede sa taas, lalagyan ko ng balcony na tanaw ang pool area. Ikaw, saan mo gusto?"
Nag-isip siya saglit. Nabuhayan ako dahil nag-iisip na siya, pero bumagsak ulit ang balikat ko nang ngumuso siya.
"You decide. Which one do you want? I'll go for it."
Bumuntong hininga ako. Ang hirap naman nito! Marami akong proyekto na challenging ang mga requests ng kliyente, lalo na iyong mga building. Pero walang panama iyon sa kaba na nararamdaman ko sa proyektong ito. Kasi... kay Eros ito.
His company is a real estate company. I know he's the CEO, but he still has probably seen tons of great house designs. Gusto kong tapatan iyon, o higitan pa.
"Okay! Budget? Bigyan mo na lang ako ng budget!"
He shrugged. "I don't have a target budget. Kung magkano aabutin, so be it."
I groaned. He chuckled and sniffed on my hair again.
Hindi nakakatulong ang paglalambing niya dahil nadadala ako. Gusto ko na rin lang kalimutan ang disenyo at yakapin siya. Pero gusto ko na ring simulan kahit paano ang disenyo ng bahay niya. Ni target date nga wala rin siyang binigay.
Tuluyan ko na siyang nilingon. "Bahay mo 'to. Nanghihingi ako ng insights mo. S'yempre gusto ko 'yong disenyo ko, e, naaayon sa preferences mo."
"Well," ngumuso siya. "The samples you showed me earlier are great. The village requires modern architecture for a uniform look of their houses. That's all I ask."
Ngumuso ako. Honestly, from that information, and with the knowledge about the village's requirement, I can already draw ideas. I can already picture the design in my mind. But this time, I just really want my design to satisfy him... and to impress him.
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
RomanceDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...