Chapter 2

4.7K 167 35
                                    

Sullies

Growing up, I was contented with our life. We have a home to shelter us from the cold, we have food in the table, and we can afford an education for me. But as I grew older, I realized that I was contented of everything I had just because I was still oblivious of the real world, and of the many possible greater things there are in life.

As I grew up, I wanted more... and more.

I know that blessings, no matter how small, should still be appreciated and be grateful for. Pero hindi ako makuntento. Pakiramdam ko, may ibubuga pa ako. May mas maraming malalaking bagay pa akong kayang tahakin at makuha. My eyes are focused on the greater things, and a blur on the small and petty ones.

Architecture is one. Progress in life is another.

Napabuntong-hininga ako at naupo sa kama. Tinignan ko ang aking sapatos na hihiwalay na ang heels. Nilagyan ko ng shoe glue iyon, kahit pa mukhang hindi na rin iyon tatalab. Tiningala ko ang orasan at napahinga nang malalim nang napagtantong aabot pa naman sa klase kung lilipad ang sasakyan nila Therese.

Ngumiwi ako at hindi na hinintay na matuyo iyon. Lumabas na agad ako ng kwarto at nagpaalam kay Mama. Nagwawalis siya nang halikan ko ang pisngi niya.

"Alis na po ako," nagmamadali kong sinabi.

"May pera ka pa ba? Heto, oh..." kumuha siya sa bulsa.

Umiling agad ako. "H'wag na, Ma. May extra pa ako rito. Okay na 'to. Ipang-meryenda niyo na lang 'yan."

Bumuntong hininga si Mama. Bumagsak ang kanyang mga mata sa aking sapatos.

"Hay naku! Tanggapin mo na ito at bumili ka ng bagong sapatos! Tignan mo ang sapatos mo!"

Umilag agad ako at tinanggihan ang pera. Umiling ako at lumayo na para hindi na niya mahabol.

"Hindi na, Ma! Late na ako! Bye!"

"Emeraude!" sigaw niya ngunit nakalayo na ako.

I sighed and ran through the pathway, where Therese's car usually waits for me. Nakita kong naghihintay na sila roon. Lumapad ang ngiti ni Donya Celeste nang makita ako. Umaliwalas ang mukha ni Therese nang natanaw ako.

"Sorry po, late ako!" hiyang hiya kong sinabi.

"It's okay! I was more worried that you'd commute again!"

Ngumiti ulit ako bilang paumanhin. Hiyang-hiya ako dahil naghintay pa talaga sila rito.

"Mag-ingat kayo, mga hija. Umuwi agad pagkatapos ng eskwela," malumanay na sinabi ni Donya.

"Oh no, Mama! She still has so many works to do after school!"

Nahihiya akong ngumiti muli.

"Kung ganoon, ipapahatid ko muna si Therese rito sa bahay pagkatapos ay babalik ka para masundo ka-"

"Naku, Donya! H'wag na po! Kaya ko naman na po! Hindi na po kailangang ipasundo ako ulit..." hiyang hiya na ako.

Donya Celeste sighed. Tumango na lang ito sa akin at bumaling na sa driver. Ngunit bago pa makasakay ang driver ay lumabas na si Russel. Nanlaki ang mga mata ko, maging ni Donya Celeste.

"Oh, hijo! It's good you came out of your room!"

Russel smiled apologetically at his aunt and kissed her cheek.

"I'm sorry, Tita," bumaling si Russ sa amin. "Ako na po ang maghahatid sa kanila."

"Hmm," siniko ako ni Therese.

Umiling lang ako. Nanlaki ang mga mata ni Donya Celeste ngunit kalaunan ay ngumisi na rin.

"Mabuti nga, kung ganoon! Lumakad na kayo at mahuhuli na sa klase ang dalawa!"

Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon