In Love
Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinalusong ko siya sa ulan kahit pa mas resonable naman ang alok niya kanina. Sadyang pagod na talaga ako at gusto nang mahiga, at may mga commissions pa akong gagawin dito sa bahay.
Hinahabol ako ng oras.
"Senyorito, maupo ka muna..." natatarantang sinabi ni Mama at inayos ang mga throw pillow.
Pakiramdam ko ay nag-ugat ang aking mga paa sa sahig habang titig lamang sa kanya, hindi malaman ang gagawin. Tumutulo ang tubig mula sa kanyang buhok pababa sa kanyang panga, hanggang sa bahagyang lantad na dibdib dahil nakabukas ang unang tatlong butones ng kanyang dress shirt. At dahil rin basa ang longsleeves niya, bakat ang kanyang matigas na braso.
Napangiwi na lang ako nang kinurot ni Mama ang tagiliran ko. I hissed and looked at her panicking. Doon pa lamang ako nabalik sa realidad.
"Anong tinatayo-tayo mo r'yan?! Kumilos ka!" mariing bulong ni Mama.
Napakurap-kurap ako at agad na kumilos. Natataranta akong pumasok sa aking kwarto at nagtungo sa cabinet. Kumuha ako ng malinis na puting tuwalya. Napakamot ako sa ulo nang hindi malaman kung bibigyan ko ba siya ng damit o hindi. May mga malalaki naman kaming damit dito pero nahihiya ako dahil mga bigay lang iyon ng mga politika tuwing eleksyon.
Iyon lang ang tanging kasya sa kanya dahil bukod sa parehong pambabae ang mga damit namin ni Mama, malaki rin ang pangangatawan niya.
"Pasensya ka na talaga, Senyorito, at pinasugod ka sa ulan ni Emy. Ewan ko ba r'yan sa batang 'yan kung bakit matigas ang ulo. Pwede naman sanang hintayin na lang niyang matapos ang ulan!" naririnig ko ang boses ni Mama mula sa sala.
"It's alright. I don't think the rain will stop anytime soon."
Sumulyap ako sa salamin at nakitang wala manlang nabasa sa aking katawan maliban sa paa at binti dahil sa tumatalsik na patak ng ulan. Bukod doon, wala na. I remember him pulling me towards him and holding my shoulders so I wouldn't drift away. Bahagya niya pa akong pinayungan kaya naman talagang nabasa siya nang husto.
"Pero heto ka naman ngayon at ikaw naman ang na-stranded dito! Hindi pa naman ako nakapaglinis ng bahay! Pasensya ka na talaga! Hayaan mo tatawag ako sa mansyon-"
"No need," agap niya. "Uh, I mean... I can wait till the rain stops..."
"Sigurado ka ba? Pwede ko namang gisingin ang mga trabahante at papayungan kita-"
"It's fine," malumanay niyang sinabi.
I sighed and decided to grab the big shirt. Nakakahiya dahil may tatak pa iyon ng pangalan ng politiko. Wala na ang mga damit ni Papa kaya ito na lang talaga ang kasya sa kanya. Nakakahiya talaga!
Lumabas ako ng kwarto. Nakaupo na siya ngayon sa mono block ng aming maliit na dining table. Naririnig ko ang maingay na takuri dahil magtitimpla si Mama ng kape.
The small house looked extra smaller with him in it. Siguro dahil malaki at matikas ang pangangatawan niya, at matangkad din siya. Namumula ang kanyang pisngi dahil siguro sa lamig. At ang madalas niyang maayos na buhok ay magulo ngayon, at mas mahaba dahil nabasa.
"Uh, t-towel..." nag-iwas ako ng tingin, nahihiya at nagsisisi.
Hindi ako makatingin sa kanya. Tiningala niya ako at ilang sandali pa ang lumipas bago niya kinuha ang tuwalya sa kamay ko. Bahagyang nagtama ang dulo ng mga daliri namin kaya agad kong binawi ang kamay ko.
"Thank you," mahina niyang sinabi.
Sumulyap ako sa kanya at nakitang tinutuyo niya ang kanyang buhok gamit ang tuwalya. Pinasadahan ng linis ni Mama ang bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/236021879-288-k971512.jpg)
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
Любовные романыDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...