Chapter 24

3.6K 128 43
                                    

Chasing Shadows 

Napahinga ako ng malalim nang nilapag ang bulaklak sa puntod ni Mama. Graduation ko ngayon, nag-iisang Summa Cum Laude sa aking batch, at nag speech din sa unahan kanina.

"Dapat nandito ka, Ma. Sana nakita mo..." bulong ko.

Naupo ako sa tabi ng puntod niya, malayo ang tingin, dinadama ang hangin. Sing rahan ng ihip niyon, sing bilis ding lumipas ang panahon.

"Congratulations!" tili ni Therese nang nakapasok sa apartment.

Tumalon-talon siya. Wala pa masyadong laman ang apartment pero may kama na at may iilang gamit na sa kusina. Kalalapag ko lang ng huling box at saglit din iyong pinagmasdan.

I got a job in a firm here in Manila. Nagrerent lang ako noong mga unang buwan pero kumuha na ako ng apartment dahil sarili ko lang naman ang binubuhay ko kaya afford ko iyon. Sakto dahil malapit sa pinapasukan ko ngayong kumukuha rin ako ng Master's degree.

May nakuha akong pera sa kaso ni Mama noon. Malaki. Hindi ko maatim na hawakan iyon nang matagal dahil naiisip ko ang naging kapalit niyon... kaya ipinangbayad ko ang buo sa dati naming mga empleyado. Wala na kaming utang. Malaya na kami sa nakaraan.

"I could have looked for a bigger space for you, though! You haven't changed a bit! You still won't accept help!"

"Tama na ito para sa akin, Therese. Ako lang naman mag-isa."

Ngumuso siya at tinulungan na lang akong ilabas ang mga gamit mula sa mga kahon. Hindi ko alam kung paano niya nasabing maliit ito – siguro dahil sanay siya sa malaking bahay. Pero para sa akin, ngayong tatlo na ang kuwarto nito, sobrang laki na niyon.

May maayos na kusina, maliit na sala, ang isang kuwarto'y gagawin kong opisina, isa para sa guest room dahil paniguradong tatambay lagi rito si Therese, at ang isa ay para sa akin. Bilang isang lumaki sa maliit na bahay, mala palasyo na ito para sa akin.

I was assembling the small dining table when I heard her gasp from the living room. She came running into the kitchen, holding a bond paper roll.

"Look what I found! This is beautiful! Did you paint this?"

Kumunot ang noo ko. Mas mahilig ako sketch at hindi masyado sa painting, kaya wala akong maalala na painting na tinabi ko.

"Look! We should frame this! I saw a frame from one of the boxes. Kasya ito roon!"

Umawang ang labi ko nang ipinakita niya sa akin iyon. It was my sketch of Sagrada Familia from two years ago, sullied with Eros' coffee stain. The sullies were splattered in an unintentionally artistic way, turning out to look like watercolor paint.

I remember keeping it years ago. This is the first time I saw it again after years, and I felt my throb at the sight of it.

"You want me to get the frame?"

Hindi maalis ang tingin ko roon kaya napatango na lang ako. Titig na titig ako, naalala ang araw na iyon. It's still vivid in my memories. I could still feel how irritated I was with what happened. A small smile broke through my lips.

"Here..." she eyed me for a moment. "Are you okay? What's with this?"

"Hindi ito painting..."

"Huh? It looks like one."

I smiled bitterly. "Mantsa ng kape ni Eros. Nabubo... pero maganda ang kinalabasan."

Her lips parted when she realized something. Napakurap-kurap siya, pinapakiramdaman ako.

"W-We can just put it back in the box-"

"Hindi. Akin na ang frame. Ididisplay ko sa kwarto ko."

Nagtagal ang tingin sa akin ni Therese. Nakangiti ako habang nilalagay iyon sa frame. Pinakiramdaman niya lang ako buong gabi habang inaayos ang bahay.

Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon