Beautiful
"Are you done?" Eros asked languidly.
Halos mapatalon ako nang bigla siyang nagsalita. Pinupunasan ko kasi ang katabi ng lamesa nila. Tumigil ako sa pagpupunas ng lamesa at luminga-linga sa paligid.
I was right – my workmates were looking at us like we're some kind of a show. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagpunas ng lamesa.
"Pagkatapos pa nito. M-May trabaho ka pa ba? Pasensya na-"
"No," he said gently. "I finished my presentation this morning so I'm free the whole night."
Tumango na lang ako at tinalikuran na siya. Saktong labas ni Therese galing sa restroom.
Pumasok na ako agad sa kitchen. Wala nang tao dahil pasado alas onse na ng gabi. Nagliligpit at naglilinis na lang kami bago kami pauwiin. Nagmamadali na ako dahil nakakahiya sa dalawang Hermedilla na pinaghihintay ko sila.
Ramdam ko ang titig sa akin ng bawat isa. Hindi ko naman sila masisisi dahil talagang ang dalawang Hermedilla ay nasa labas pa, hinihintay ako. At syempre, hinayaan sila ng manager na manatili sa loob kahit sarado na dapat at wala nang maiiwan na customer.
"Grabe, Emy. Big time ka! Biruin mong may kaibigan kang Hermedilla! Tapos hinihintay ka pa sa labas!"
Ngumiti na lang ako. Panay ang kwentuhan at bulungan nila, hindi ko na lang pinapansin. Kanina pa nila sinusubukang magtanong sa akin tungkol sa mga Hermedilla pero s'yempre hindi ko sila sinasagot.
"Anong pangalan noong lalaki? Sabi ni Bianca, Hermedilla rin daw 'yon?"
"'Yon yata 'yong panganay! Parang narinig ko sa kaibigan ko na maeengage na raw 'yan kaya umuwi."
"Totoo 'yon, Emy?"
Wala ako ni isang sinagot. Totoo naman na nagkakasundo na sila Donya Aquina at Attorney Felicia na ipakasal ang dalawa nilang anak, pero mukhang hindi kumbinsido si Don Frederick.
At hindi ko alam kung totoo ito pero ayaw rin yata ni Eros Hermedilla. Kung totoo man 'yon, hindi ako makapaniwalang kaya niyang tanggihan si Samuela. Edukada at supistikada kaya hindi ko alam kung bakit.
Pumasok ang manager at malapad na ngumiti sa akin. I smiled and bowed a bit. Binitawan ko ang pamunas dahil mukhang may sasabihin siya.
"Gusto mo ba itong trabaho? I noticed how dilligent you are when working. Ikaw ang may pinakamaraming tables na na-serve. Sayang kung isang araw ka lang dito, pamalit sa nag leave na waitress."
Napakurap-kurap ako. The manager smiled at me.
"If you want, we can make room for you. Tutal ay kaibigan ka naman ng anak ng may-ari, pwede ka naming kunin kahit puno pa kami. I really liked your performance."
Kung papayagan lang sana ako ni Mama, kukuha ako ng permanenteng trabaho. There's a reason why I only accept temporary jobs and side hustles. Iyon ay dahil madaling itago kay Mama iyon. Kung permanente nang trabaho, alam kong magtatalo lang kaming dalawa.
Ngumiti ako. "Hindi na po, Ma'am. Kapag may nag leave na lang po ulit, titignan ko kung libre ako. Pasensya na po."
Imbes na mainis o kung ano man, mas lalo siyang namangha at napangiti. She nodded repeatedly and smiled at me again. Tumango ulit ako at bumalik na sa trabaho.
Sumulyap ako sa labas at nakitang nagliligpit na ng gamit si Therese. Kanina, panay ang labas ni Eros dahil sa katawagan. I honestly don't understand why he has to sacrifice his work just to pick me up. Ang sabi niya tapos na siya sa presentation pero s'yempre hindi maiiwasang may trabaho pa rin siya. Surely, Therese can call for his driver. Pero sabi niya may nilakaran daw ang driver. Even so... right?
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
RomanceDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...