Chapter 29

3.7K 121 39
                                    

Lunch 

There was a feign shock in his eyes that creeps through, no matter how much he tries to conceal it.

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa palapulsuhan niya at unti-unti iyong tinanggal. Ngayong nakabawi na siya, seryoso na ulit ang tingin niya sa akin. Tila hindi ako sineseryoso. Tila ba iniisip niya na hindi ko iyon kayang gawin... o na hindi ko iyon matatagalan.

"I'm going." Simple niyang sinabi at pumasok na sa sasakyan niya.

I did not regret it. I sighed out of relief and satisfaction before I stepped back and waited for him to completely leave. Saka lang ako umalis nang nawala na sa paningin ko ang sasakyan niya.

"Are you alright, Architect Suarez?" salubong ni Engineer Garcia.

I sighed softly and nodded.

"Sino 'yon? Pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang mapangalanan."

Umiling ako at ngumiti. "Balik na ako sa site, Engineer Garcia. Kung naglalunch ka pa, mauna na ako."

Agad siyang umiling at sumunod na sa akin. Kakainin ko mamaya ang luto ni Therese para sa akin. Ayaw kong madaliin ang pagkain niyon.

Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho. Tinanggal ko muna sa aking isipan ang tungkol kay Eros dahil oras ng trabaho. Nang umuwi ako at binuksan ang ilaw, mapanglaw pa rin ang apartment... pero nakatulong sa aking dibdib ang ginawa ko kanina.

I opened the lampshade beside the sofa in my living room. Unti-unti akong nagsalin ng wine sa aking braso. Maging ang wine na ito ay galing sa kompanya ng mga Hermedilla. Hindi ko afford bumili ni isang bote nito pero si Therese ang nagdala nito rito.

Naupo ako sa carpet sa sahig, katabi lang ang center table. Tanaw ko ang siyudad sa ibaba habang nag-iisip. Hindi ko ito nagawa noong nakaraang linggo dahil ayaw kong mabakante ang isip. But what I did earlier, no matter how shameless, made me feel a lot better.

I always said I won't ever regret doing everything I thought was best for Mama's justice. And that I didn't entertain my feelings for Eros because Samuela is my friend. But I also can't help myself getting drowned with regrets... with all the things I could have done... and all the things that could have been.

Regrets haunt me till this day... like the sullies in my sketch that I don't have the strength to put away.

I'll understand if he no longer loves me, and no longer wants to take chances again because he already has his own life abroad, but I also don't want to have any more regrets. I'd rather hurt if he blatantly rejects me than regret not taking my chances while he's still here.

I took a shower and wore my silk short nightdress. Hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay nakatulog na agad ako. 

The next day, I felt a little lighter. Magaan ang aking kalooban kahit pa puno ang aking desk sa trabaho. I smiled while looking at my workload for today. Kahit pa marami iyon, hindi mabigat sa pakiramdam. I haven't felt this driven for so long.

"Hi!"

Umangat ang tingin ko kay Therese. Minsan pa lang siya nakakapunta rito sa opisina pero nakakapasok naman siya bilang bisita ko. She looked chic in her Versace dress, Giovanni Rossi heels, and a limited-edition Chanel handbag. Basta niya lang nilapag ang kaniyang bag sa isa sa mga lamesa sa opisina ko bago siya naupo sa harapan ng desk ko.

"I went here because I wanted to tell you personally what happened yesterday!" she grinned.

I glared at her softly and continued my work on my desktop.

Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon