Chapter 10

3.8K 147 67
                                    

Promise

Binitawan ko ang aking ruler at lapis. I blankly stared at my unfinished plate, and glanced at my thick unread books and notes. Nilaan ko ang Linggo para sa pag-aaral at paggawa ng plates pero hindi ako makapagpokus. Lalo na't naririnig ko ang madalas na buntong hininga ni Mama mula sa sala.

"Mama, idagdag niyo na po ito pang bayad sa mga dating trabahante," sabi ko sabay abot ng sobre.

Nanlaki ang mga mata ni Mama nang nakitang medyo, ngunit hindi gaano, makapal ang sobre. I have been saving all my salaries just so I can give it to her. Alam kong unti-unti nang nauubos ang pera niya sa trust fund, o kung hindi man, talagang said na at umuutang lang siya sa bangko o 'di kaya'y mga kakilala.

I felt a sting on my heart when I saw her looked away, even though it was obvious that she was tempted to accept it. Kanina pa siya nagcocompute ng pera rito sa sala, at kanina ko parin siya nakikitang napapakamot sa ulo. Hindi ko pa sana ibibigay ang ipon ko dahil gusto kong malaki na iyon bago ibigay.

"Hindi na, anak. Itabi mo na lang 'yan para sa 'yo. Mas kakailangan mo 'yan next year para sa internship mo kaya itabi mo na lang 'yan."

I sighed and closed my eyes for a second.

"Saan ka kukuha ng perang pang bayad sa mga naniningil sa 'yo? Alam ko na hindi na lang mga dating tauhan ang binabayaran mo, Ma. Pati 'yong mga pinagkautangan mo noon. Pati nga mga kaibigan mo sa Bayan."

"Mapakikiusapan pa naman. Itabi mo na lang 'yan para sa 'yo. Mamaya..." she swallowed hard and looked away. "Pupunta ako sa mansyon at... hihiram muna ng pera kay Aquina at Felicia-"

"Mama!" tumaas ang boses ko.

She looked away again.

I know that she is hurting deep inside. That no matter how much she tried to conceal, she is still bitter about how her life turned out to be. She was looked up before, now she's the one looking up to people. Hindi ko masikmura ang sakit na maaaring nararamdaman ni Mama. Iniisip ko pa lang, mas lalo akong naiinip na lumaki na agad at makapagtapos.

"Kung uutang ka rin lang, tanggapin mo na lang 'to. Matatambakan ka lang, Ma. Hindi ko pa naman 'yan kailangan."

Umalis na agad ako sa bahay para hindi na siya makatanggi. Iniwan ko ang sobre sa lamesa. Alam kong kung hindi pa ako aalis, tatanggi siya kaya naman dali-dali na akong lumabas.

May lakad si Therese ngayon dahil inutusan ni Donya Celeste. Si Russel, nasa Manila na. Nagpaalam siya kagabi ngunit mabilis na pagpapaalam lang iyon dahil gabing gabi na siya bumisita.

I have too much on my plate right now. My problems and worries kept piling within me that I needed to release it somewhere once and for all. I've been keeping this all in for quite so long which is probably why I've been a mess inside the past weeks.

Mindlessly, I walked towards the hacienda. May iilang trabahante na bumati sa akin ngunit wala akong ibang naigawad kundi tipid na ngiti. As soon as I reached the hacienda, I couldn't have thought of a more perfect place to go. The gentle gust of the wind and the flowers dancing along with its direction almost instantly calmed my nerves down. Napahinga ako ng malalim, at saka pa lang napagtanto kung gaano ko na katagal kailangan ito.

Sumasayad ang dulo ng aking puting bistida sa mga halamang nadaraanan ko. Bibihira ako maglugay ng buhok ngunit ngayon, nakalugay ito kaya naman agad nahipan ng hangin. I was mindlessly walking around the hacienda, nowhere to go, but won't stop walking nonetheless.

Kapag may iniisip ako, tumatakbo ako kay Russel. But lately, I am starting to feel like a bother to him. I want to understand him but I really feel like everything is changing. Ang alam ni Therese ay mag-aaral ako buong araw. She knows and understand that I can't focus studying with her around so we won't meet today, I guess.

Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon